“WE’RE not sisters!” Ito ang iginiit ni Sheryl Cruz nang makausap namin ito sa isang ambush interview. ”We have different mothers and different parents,” paglilinaw pa ni Sheryl ukol sa isyung magkapatid sila ni Sen. Grace Poe.
“Respeto na lang para sa aking ina na wala naman siya rito sa Pilipinas,” pakiusap pa ni Sheryl. ”Please ‘wag n’yo nang i-drag ang nanay ko rito. Hindi naman ito nakatutuwa para sa aming magkakapatid na biological children ng nanay ko especially for my brother and I who lives here in the Philippines.”
Ayon kay Sheryl, ginagawa niya ang paglilinaw ukol sa usaping magkapatid sila ni Sen. Poe bilang protection sa kanyang ina, mga kapatid, at tatay. ”I owe it to them na i-clarify na hindi totoo ang mga istoryang lumalabas. Ang dami-daming lumalabas na iba-iba na. Kahit gaano ka pa katahimik na tao may times na kailangan mo ring magsalita. Ako for the longest time hindi ako nagsalita.”
Sinabi pa ni Sheryl na naklaro na ang usaping nag-uugnay sa kanyang inang siRosemarie Sonora kay Grace. ”You can actually look for the archives of all the newspaper from the past and you will see there. Nakalagay sa article na B=because my mom was working during sa sinasabi na she’s carrying my cousin sa kanyang sinapupunan eh, that’s very imposible because she’s actually working, at least she’s doing two movies. Tapos ‘yung mga sinasabi nila na that my mom gave birth sa Davao, sa America, kung saan-saan. Actually they can make a Metro Manila Filmfest just about all this different version of what they think happened between my mom and Mr. Marcos. I’m so sorry I don’t want to drag any other family.”
Ani Sheryl, kailangan niyang magsalita dahil sobra na siyang nasasaktan at naaapektuhan na ang katahimikan ng kanilang pamilya. ”I’m not breaking that peace. I am a biological daughter of my mom at kung walang nagsasalita in defense of my mom sa family ko I’m taking it upon myself in depending of my mom that any child would do. Ayokong pagmukhain na ‘yung mother ko had another affair with other man other than my dad.”
Nag-ugat ang lahat ng ito sa pahayag ni Sheryl na hindi niya suportado ang pagtakbo ng kanyang pinsang si Sen. Grace bilang presidente sa darating na 2016 election.
“Sana hindi pa siya tumakbo next year sa laban ng mga presidente gusto ko sana na maglaan pa siya ng ilang taon dahil tulad nga ng sabi ni Sen. Sergio osmena, both personally and professionally, ‘yun din naman ang view niya, para sa akin hindi lang naman ako at hindi lang naman ako nagmamarunong dito. Ako naman ay isa ring tax payer, isa ring ina, isa rin akong boss na may mga umaasa sa aking mga empleado. So kailangan din naman na isipin ko rin, pag-isipan kong mabuti ng ilang beses kung sino iyong aking iboboto.
Sa kabilang banda, hindi naman daw payag magpa-DNA ni Sheryl. ”You know what, unang-una, I am not willing because I know it is not true. The mother or parents of my cousin is different from me. So, please spare my family from this. Affected na ang Sonora, idinamay n’yo ang Cruz family.
“Ang tatay ko nananahimik na rin tulad ni uncle Ronnie na nananahimik na nakahimlay na. Please naman, spare n’yo na kaming magkakapatid. Hindi naman namin pinangarap na maging frontpager or mailagay sa front page ng mga magazine, tabloids or newspaper,” pakiusap pa ni Sheryl.
Samantala, sinabi naman ni Ms June Rufino na ”Wala akong iko-comment, wala akong kinalaman kay Sheryl Cruz, hindi ako nang-harass kay Rams. Anong kinalaman ko sa kanila.”
Tinanong naming kung bakit kaya siya binanggit ni Sheryl ukol sa pagbibitiw ng manager niyang si Rams David. ”Naku wala akong kinalaman sa kanya no!” giit pa ng manager ni Edu Manzano.
Nag-text naman kami kay David kahapon ng umaga subalit hanggang ginagawa namin ito’y wala pa kaming natatanggap na kasagutan mula sa kanya.
ni Maricris V. Nicasio