Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Praning ba si Comelec Commissioner Christian Robert Lim?!

00 Bulabugin jerry yap jsyMUKHANG nagkamali ng pagtatalaga ang Malacañang kay Election Commissioner Christian Robert Lim sa Commission on Elections (Comelec).

Parang dapat ‘e sa ISAFP o kaya ‘e sa Foreign Affairs siya itinalaga.

Aba, mantakin ninyong magpapagawa lang ng 93,000 Optical Mark Readers (OMR) na nagkataong imamanupaktura sa China ‘e naisip pang isasabotahe daw ang ating eleksiyon sa Mayo?!

Praning ka ba, Commissioner Lim?

Anong conspiracy fiction novel ba ang binabasa mo at napaka-illogical ng takbo ng utak mo?!

Ang trabaho ninyo sa Comelec ‘e ihanda ang election sa Mayo 2016.

Trabaho ng ISAFP ‘yang naglalaro sa tuktok mo.

Mukhang hindi naiintindihan ni Commissioner CR Lim ang kanyang gawain at tungkulin sa Comelec.

Ano ang pakialam ng China sa election nag Filipinas?!

Masyado yatang napapraning si Commissioner CR Lim.

O utak-pulbura lang siya, kaya ang naiisip ay giyera at conspiracy theory?!

Hindi pa nga kasagsagan ang trabaho sa Comelec ‘e napapraning na ang isang Commissioner d’yan… buhusan ninyo ng malamig na tubig o kaya ay paliguin ninyo umaga at at gabi para laging nahihimasmasan…

Wahahahahaha!

Comelec Chairman Andres Bautista, mukhang natutulog nang gising ‘yang isang bata mo riyan…

Baka isang tanghaling tapat ‘e makakita ‘yan ng buwan, patay tayo d’yan!

Sino ba ang boss ni Secretary Edwin Lacierda?!

KANINO bang spokesperson si Secretary Edwin Lacierda?

Naitatanong po natin ito, dahil napapansin natin na panay ang pagtatanggol ni Secretary Lacierda sa Liberal Party.

Nakalilimot yata si Secretary na iba ang LP at iba ang Malacañang.

Nagkataon lang na, ruling party ngayon ang LP pero hindi nanganghulugan na maglingkuran si Lacierda sa partido ng Pangulo.

Dahil ikaw ay tagapagsalita ng Malacañang at ng Pangulo, mas nararapat na ang pagtuunan mo ng pansin, Secretary Lacierda ay magagandang balita para sa bayan.

‘Yan ay kung may magandang balita kang sasabihin.

Baka yan ang dahilan kung bakit lagi ka nang nakasawsaw sa LP, wala ka kasing maibalitang maganda para sa bayan?!

Baka lang naman…

Gising-gising lang Secretary Lacierda, hanggang Mayo pa ang trabaho mo sa Malacañang… serve better for the people and not for a political party alone…

Pwede ba ‘yun?!

In short, sulitin mo ang pasuweldo sa iyo ng sambayanan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …