Naibahagi pa ni Ms. Leigh na gumamit ng 7,000 extra ang Felix Manalo na sinasabing guguhit pa ng panibagong yugto sa kasaysayan ng Philippine Cinema sa layon nitong higitan ang Guinness World Records para sa largest audience attendance sa isang film premiere at screening nito sa October 4.
Idaraos sa 55,000 seater Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan, tatlong araw bago ang opening date nito sa mga sinehan sa buong bansa sa Oktubre 7.
Ang Felix Manalo na handog ng Viva Films ay pinagbibidahan ni Denis na siyang gumaganap sa mahalagang karakter ni Ka Felix, ang unang Executive Minister ngIglesia ni Cristo habang ang maganda at mahusay na aktres na si Bela Padilla ang lalabas bilang butihing maybahay na si Ka Honorata.
Suportado sina Dennis at Bela ng mahigit sa 100 na malalaking artista sa Felix Manalogaya nina Gabby Concepcion, Gladys Reyes, Jaclyn Jose, Snooky Serna, Lorna Tolentino, Richard Yap, Dale Baldillo at marami pang iba.
Napag-alaman naming ita-transform ang Philippine Arena sa isang malaking theater gamit ang 22 meters by 40 meters na screen para sa isang makabuluhang full theater experience. Kinunan ang pelikula sa loob ng 58 shooting days sa loob ng walong buwan kasama ang best brightest and well respected names sa local film production scene para matiyak ang world class quality ng Felix Manalo na idinirehe ng multi award-winning director na si Joel Lamangan.
Mga bigating pangalan din ang nasa team ni Direk Joel na kinabibilangan ng director of photography na si Rody Lacap, production designer Edgar Littaua, set design and construction Danny Red, costume designer Joel Marcelo Bilbao, hair and make-upJuvan Bermil, musical director Von de Guzman, at sound engineer Albert MichaelIdioma, film editor John Wong, visual effects supervisor Adrian Arcega, assistant director Arman Reyes, at associate director Julius Alfonso.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio