Thursday , December 26 2024

210 smuggling cases nakatenga sa DoJ

00 Palipad hangin Arnold ataderoANO ang mangyayari sa 210 smuggling cases na isinampa at isasampa pa marahil ng Bureau of Customs sa Department of Justice?

Ang majority nito ay nakatengga sa DoJ at pinanga-gambahan na baka mabulok na lang lalo pa’t iilang buwan na lang ang nalalabi sa Aquino administration bego mag-say goodbye.

Kung pagtutuunan lang, ang malalaking kaso na ito marahil ang magpapataas ng revenue ng Bureau, at the same time, tataas ang moral ng mga  ahente ng Bureau dahil iyong pinagpawi-san nila ay magkakabunga.

Pero tila malabo nang makita ito dahil sa loob ng maraming taon, mula GMA admin noong 2007 hanggang sa kasalukuyan, tila wala pang solidong kaso na nabalitaang naipanalo ng gobyerno.

Kung babasehan ang record ng mga nasampahan na individual or corporation, pawang high-profile sila. Big time businessmen na karamihan ay sangkot sa SMUGGLING.

Imagine umaabot halos sa P400 bilyon ang nawawala sa SMUGGLING ng bigas, sugar, mga construction items na ginagamit sa pagtatayo ng mga building sa kamaynilaan (marami sa mga item na gamit hindi available sa local), general merchandise at iyong mga padala sa pamamagitan ng OFW boxes na umaabot din hanggang P5 bilyon o mahigit pa kada taon.

Sa mga nakaw na oil na lang, umaabot noon ang estimate sa P40-billion a year. What about luxury sports vehicles and SUVs na bumabaha sa Pinas, idinadaan sa ilang Customs port tulad ng Batangas.

Ang tanong: May Customs Bureau pa tayo? May katwiran kaya ang ilang sector na ipaubaya na lang sa private entity ang pagkolekta ng customs duty kung ganito na  aabot sa P400-bilyones kada taon ang ninanakaw ng mga smuggler?

Kaya hingal kalabaw ang ating Bureau sa paghabol ng revenue target. Parang mistulang laruan na lang ang Bureau sa nangyayaring SMUGGLING, either outright o iyong walang binabayaran  na tax or technical  smuggling o iyong misdeclared, undeclared or undervalued.

Lubhang maraming tagaloob ng Bureau ang silaw na silaw sa pera. Ito na kasi ang trend ngayon sa bansa. Tutal daw paglipas ng panahon, malilipasan na rin ang mga nakatengang kaso.

Kung tama ang presyo or tara oks na.

Isipin na lang na halos kasing laki ng assigned target ng Bureau ang nananakaw na revenue?

For 2015, ang target ay P456 bilyon, pero umaabot sa P400 bilyon ang nawawala sa smuggling. Para ano pa at may mga mga ahente tayo sa Bureau. Wala kayang ayudang nakukuha ang mga retired general na itinalaga ng Palasyo sa Customs?

Gaano katotoo ang balita na ang mga ex-general na itinalaga sa Bureau ay incorruptible?

About Arnold Atadero

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *