The Super Green Card Holder!? (Immigration Commissioner)
Jerry Yap
September 23, 2015
Bulabugin
ISANG araw ay narinig nating naghuhuntahan ang isang grupo na suki ng isang coffee shop d’yan sa isang five star hotel sa Maynila.
At habang nagkakape, naging ‘panini’ nila sa kanilang kuwentohan kung totoo nga ba ang pagiging US green card holder ni Bureau of Immigration Comm. Fred ‘pabebe’ Mison.
Ayon sa ating naulinigan, mahiwaga raw talaga ang citizenship n’yang mataas na opisyal sa isang ahensiya ng pamahalaan na nasa Intramuros, Maynila.
Hanggang sa kasalukuyan umano ay hindi pa rin malinaw kung isinuko na ba ni Mison ang kanyang ‘green card’ o patuloy lang niyang niloloko ang sambayanang taxpayers na nagpapasuweldo sa kanya o patuloy niyang nilalansi ang gobyerno ni Uncle Sam.
Ayon pa sa huntahan ng coffee shop lovers, kung hindi pa niya talaga isusuko ang kanyang green card, aba, tiyak mahihirapan siyang i-maintain ang kanyang lifestyle pwera na lang kung napakalakas niya sa kanyang bossing sa Department of Justice (DoJ) na siya ay payagang makapagbiyahe sa Amerika, dalawa hanggang apat na beses isang taon.
Bukod sa travel permit mula sa Philippine authority, siyempre ‘yung airfare pa.
Dami na sigurong kuwarta ng opisyal na pinag-huhuntahan?
Sa ngayon nga naman ay napakahigpit na ng Estados Unidos sa kanilang mga Immigrant. Kung hindi tayo nagkakamali, kinakailangan naroroon sila four to six months, kung ayaw makansela ang kanilang green card.
Marami na nga raw nakompiskahan ng green card pagdating sa US airport dahil nadiskubreng mas matagal ang pananatili ng isang green card holder dito sa Pinas kaysa ‘Tate.
Pero ang higit nilang ipinagtataka, paano nakalulusot ang isang green card holder para ma-ging presidential appointee sa isang ahensiya na nagbabantay sa ating border patrol?!
Hindi man lang daw ba nabusisi ng Malacañang kung ang nasabing opisyal ay genuine pang Filipino at hindi nagtakwil ng kanyang citizenship kahit kailan?!
Kuwestiyon na nga naman ito ng allegiance sa ating bansa bilang isang tunay na Pinoy.
Tsk tsk tsk…
O Immigration Commissioner Siegfred Mison, kailan mo lilinawin sa iyong mga empleyado at sa taumbayan ang isyu ng pagiging green card holder mo?!
Pwede bang kahit si Immigration spokesperson Elaine Tan na lang ang magpaliwanag sa amin!?
What the fact!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com