Friday , November 15 2024

Pamilya ng ABS broadcaster ligtas sa tandem

NAKALIGTAS sa tiyak na kapahamakan ang pamilya ng ABS CBN broadcaster na si David Oro nang mataranta ang riding in tandem na nagtangkang holdapin ang pamilya sa Quezon City, iniulat ng pulisya kahapon.

Kaugnay nito, agad nagpalabas ng kautusan si Quezon City Police District (QCPD) Director, Chief Supt. Edgardo G. Tinio, sa kanyang 12 station commander na paigtingin ang police visibility sa kanilang ‘area of responsibility’ sa loob ng 24 oras.

Ayon kay David Oro, dakong 11 p.m. kamakalawa, kararating lamang nila sa kanilang bahay sa Paraiso St., Brgy. San Francisco Del Monte, Quezon City.

Pagdating sa bahay, naunang bumaba sa minamanehong Starex ni David ang kanyang mag-ina.

Habang ipinapasok ni David ang sasakyan sa gate, dumating ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo. Bumaba ang isa at pilit na inaagaw ang shoulder bag ng asawa ni David.

Nang manlaban at tumangging ibigay, pinaputukan ng suspek ang babae ngunit masuwerteng hindi tinamaan.

Ngunit mabilis na tumakas ang mga salaring nang makitang bumaba na si David para saklolohan ang asawa.

Samantalang, iniuutos ni Tinio sa Masambong Police Station 2 na agad magsagawa ng imbestigasyon at alamin ang grupo ng mga salarin para agad maaresto.

About Almar Danguilan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *