Saturday , May 17 2025

Gilas haharap sa Palestine ngayon (2015 FIBA Asia simula na)

080615 gilas pilipinas fiba
SISIMULAN ngayon ng Gilas Pilipinas ang huling hakbang tungo sa pangarap na makatapak muli sa men’s basketball ng Summer Olympic Games sa pagsali nito sa 2015 FIBA Asia Championships na gagawin sa Changsha at Hunan sa Tsina.

Tatagal hanggang Oktubre 3 ang torneo kung saan tanging ang kampeon nito ang mabibigyan ng awtomatikong tiket sa 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil.

Sa ilalim ng Amerikanong coach na si Thomas “Tab” Baldwin, mahigit dalawang buwan ang naging paghahanda ng bagong Gilas para sa torneong ito sa pagsali nito sa isang pocket tournament sa Estonia, ang Jones Cup sa Taiwan at ang MVP Cup dito sa Pilipinas.

Sumabak din ang Gilas sa isang matinding training camp sa Cebu noong isang linggo.

Nasa Group B ang Gilas kasama ang Palestine, Hong Kong at Kuwait at unang magiging kalaban ng mga Pinoy ang Palestine ngayong alas-11:30 ng umaga.

Llamado ang Gilas na walisin ang grupo nito at umabante sa knockout stages kung saan magiging mas mahirap ang mga kalaban.

“We play each game on its merits. We don’t try to say that the pool looks like this. We have each team to prepare for. Each team will be different from the other. Those are all teams that are trying to improve their ranking in Asia. They’re trying to make a mark and then there’s lessons to learn,” wika ni Baldwin sa panayam ng isang reporter ng TV5. “If you take somebody lightly, they’ll beat you. So we can’t take them lightly. We have to play each game in order to get better, to improve ourselves and to beat our opponents.”

Kasama sa lineup ni Baldwin sa FIBA Asia ang mga beterano ng 2013 na edisyon ng torneo na sina Jayson Castro, Ranidel de Ocampo, Gabe Norwood at Marc Pingris.

Ang koponang iyan ni Chot Reyes ay natalo sa finals kontra Iran ngunit nakuha nito ang isang puwesto sa FIBA World Cup sa Espanya noong isang taon.

Kasama rin sa lineup ng bagong Gilas ang mga dating naglaro sa 2011 FIBA Asia na sina Asi Taulava at Dondon Hontiveros, pati na rin ang mga baguhang sina Terrence Romeo, Calvin Abueva, Sonny Thoss, Matt Ganuelas-Rosser, JC Intal at ang naturalized na manlalarong si Andray Blatche.

Ayon kay Baldwin, susi si Blatche sa kampanya ng Gilas sa torneo.

“His shots are falling in. He’s better than couples of weeks ago, and he’s gonna get better,” ani Baldwin tungkol kay Blatche na unang naglaro sa Gilas sa FIBA World Cup sa Espanya at dating manlalaro ng Brooklyn Nets sa NBA.

Pagkatapos ng Palestine ay makakalaban ng Gilas ang Hong Kong bukas, alas-9:30 ng umaga at ang Kuwait sa Huwebes, alas-4:45 ng hapon.

“We have more days ahead of us to prepare. We have some games that we believe are important for us to obviously win those games, take our opponents very seriously but those games should also help us prepare for the later rounds of the tournament, where you’re gonna be playing the top teams in Asia,” dagdag ni Baldwin.

Samantala, nangunguna ang defending champion Iran sa Group A kasama ang Japan, India at Malaysia at nasa Group C naman ang Tsina, South Korea, Jordan at Singapore.

Nasa Group B ang Chinese Taipei, Lebanon, Qatar at Kazakhstan.

Mapapanood ang lahat ng mga laro ng Gilas sa FIBA Asia sa TV5 at Basketball TV. (James Ty III)

About James Ty III

Check Also

PCAP Chess Champions

Toledo-Xignex Trojans bida sa PCAP

SA WAKAS, nagwagi ang Toledo-Xignex Trojans sa online team chess tournament ng Professional Chess Association …

Jonathan Ng Creamline Cool Smashers Rebisco

Ng, pararangalan bilang PVL Press Corps Executive of the Year

PARARANGALAN si Jonathan Ng, Vice president at CEO ng Republic Biscuit Corporation (Rebisco) Group of …

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *