Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak na babae at lalaki tinurbo ni daddy (Misis OFW)

SWAK sa kulungan ang isang ama makaraang ireklamo ng panghahalay sa menor de edad niyang anak na babae at lalaki sa Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Adrian Campos, 29, walang trabaho at walang permanenteng tirahan.

Salaysay ni Brgy. 59 Kagawad Salvador Balatbat, inaresto nila ang suspek makaraang humingi ng tulong ang biyenan ni Campos na si Rosalinda Casabar, hinggil sa panghahalay ng suspek sa mga anak na sina Jean, 6, at Renz, 11-anyos.

Ayon kay Casabar, inutusan niya ang kanyang manugang kamakalawa na bantayan si Renz na naka-confine sa San Lazaro Hospital dahil sa sakit na leptospirosis.

Kahapon ng umaga, nang dumalaw sa pagamutan si Casabar ay hindi na niya inabutan si Campos ngunit nagsumbong si Renz na tinabihan siya ng ama habang natutulog ang ibang pasyente at ipinasok ng suspek ang kanyang ari sa puwet ng biktima.

Ayon kay Renz, bunsod nang panghihina dahil sa sakit ay wala siyang nagawa kaya nanahimik na lamang. Isinumbong din ng bata na ninakaw ng suspek ang cellphone ng katabing pasyente.

Pag-uwi ni Casabar ay ikinuwento niya sa kanyang asawa ang insidente na narinig ng biktimang si Jean. Sa puntong iyon, ikinuwento rin ni Jean na sa tuwing pumupunta si Campos sa kanilang bahay ay minomolestiya rin siya ng ama.

Nabatid na nakatira sa bahay ng lolo at lola ang magkapatid dahil nasa ibang bansa ang kanilang ina habang padalaw-dalaw lamang ang suspek sa kanila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …