Sunday , December 22 2024

Abe Pagtama, idolo sina Eddie Garcia at Mon Confiado

092315 Abe Pagtama mon confiado

00 Alam mo na NonieKAKAIBA ang passion sa acting ng Fil-Am actor na si Abe Pagtama. Kaya naman kahit naka-base siya sa US, pabalik-balik siya sa Pilipinas kapag may gagawing project dito.

Ilan sa nagawa niyang movie ang The Diplomat Hotel ni Direk Chris Castilllo, na tinampukan ni Gretchen Barretto at ang Constantine ni Keanu Reeves na kabilang si Sir Abe sa tumulong sa sikat na Hollywood actor sa exorcism scene rito.

Kasali rin siya bilang voice talent sa Hollywood movie na Godzilla. “I did voice over on the movie Godzilla last year, with Jon Jon Briones, who recently won Best Actor in West End, in London as the Engineer on Miss Saigon,” wika niya.

Ngayon ay nakatakdang gawin ni Sir Abe ang Mga Rebeldeng May Kaso ni Direk Raymond Red. Posible rin siyang gumawa pa ng ibang indie films dito, depende sa schedule ng shooting dahil abala rin si Sir Abe rito at sa Amerika bilang Marketing Manager ng Megaworld International.

“It would be nice if I get casted again on Cinemalaya 2016,” saad pa niya sa amin.

Sinabi rin niya ang mga hinahangaang aktor. “Eddie Garcia, I look at him since I was a kid. I worked with him in a movie called The Debut, na sa America ginawa with Tirso Cruz III and Gina Alajar.

“Si Mon (Confiado), idol ko rin iyan and I want to work with him again. Sa The Diplomat Hotel magkasama kami, pero ‘di kami nagka-eksena. May eksena kami sa Kamera Obskura, but it’s kinda short. Alam mo naman na kinikilala si Mon sa galing niya and I believe that he should be nominated sa Heneral Luna for Best Supporting Actor. Magaling siya, effective, and he was in character all the time.”

Pinuri rin ni Sir Abe ang pelikulang Heneral Luna na pinagbibidahan ni John Arcilla dahil sa ganda nito at sa pagiging entry ng bansa sa 2015 Oscar’s Foreign Language Film category. “First of all, I want to congratulate the cast, crew and the producing team and the marketing team of Heneral Luna, they did a great job!

“In order for this to win the Oscar for Best foreign film, it has to be marketed real good in Hollywood, They have to hire a good PR people. So it will make a buzz to the voters, which are almost, 100 percent are base in Los Angeles CA. (Beverly Hills, West Hollywood, Burbank, West LA). They should be showing it to theaters on this area. Again, hire a good entertainment publicist in Hollywood,” payo pa niya sa mga nasa likod ng pelikulang Heneral Luna.

Incidentally, si Ms. Flor Salanga ang tumatayong talent manager sa Pilipinas ni Sir Abe. Sa mga interesado sa kanyang serbisyo, pls. contact CP# 09185477490 at sa email naman, [email protected].

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *