Monday , December 23 2024

May katarungan na nga kaya para kay Doc Gerry Ortega? (Sa pagkakadakip sa Reyes brothers)

00 Bulabugin jerry yap jsyPAGKAKATAON lang ba na matapos ihain ni Dra. Patty Ortega ang kanilang petisyon sa Department of Justice (DoJ) nitong Biyernes na isulong ang prosekusyon laban sa magkapatid na dating gobernador ng Palawan na si Joel Reyes at ang kapatid niyang dating mayor ng Coron na si Mario Reyes ay nadakip sila sa Thailand kinabukasan?!

O ito ay tadhana ng Maykapal dahil apat na taon na mula nang paslangin si Doc Gerry ay hindi lumalarga ang katarungan para sa pinaslang na brodkaster at environmentalist?

Isa po ang inyong lingkod bilang pangulo ng National Press Club noon, ang sumuporta sa laban na ito ng pamilya Ortega.

Inihain ni Dra. Patty ang petisy0n sa DoJ bilang hamon kay Justice Secretary Leila De Lima na dating private election lawyer ng gobernador na Reyes.

Sa nasabing petisyon, binigyang-diin ni Dra. Patty na malapit nang bumaba sa kanyang puwesto si De Lima kaya marapat lamang tapusin niya ang pagsasampa ng kaso sa magkapatid na Reyes bago man siya maghain ng kanyang kandidatura pagka-senador.

Talaga naman!

Hindi natin alam kung saan nanghihiram ng kapal ng mukha ang isang opisyal diyan sa DOJ.

Magpraktis ka naman ng delicadeza, Madam!

Alam ba ninyong katakot-takot na railroading ang nangyari sa kasong inihain ng mga Ortega laban sa mga Reyes dahil sa panghihimasok ni “classmate”!?

Nadakip na nga ang Reyes brothers deretso kulungan kaya ‘yan at mai-arraign kaya kaagad?!

‘Yan ang aabangan natin.

Pansamantala, binabati natin ang Task Force Usig sa pagkakadakip sa Reyes brothers.

Wish lang natin na ang pagdakip sa Reyes brothers ay hindi para maging deodorant ng Daang Matuwid administration lalo ngayong panahon ng eleksiyon.

Chiz ilalampaso ni Leni sa Bicolandia

KUNG matutuloy ang sagupaan ng mga bise presidenteng sina Chiz Escudero at Leni Robredo, naniniwala  si Albay Governor Joey Salceda na ilalampaso ng biyuda ni Jesse ang esposo ni Heart Evangelista.

Beteranong politiko man si Chiz, ang ‘heart’ naman niya ay hindi nararamdaman ng mga Bicolnon lalo ng mga kababayan niyang taga-Sorsogon.

Naniniwala ang marami, nang ambisyonin ni Chiz na katawanin ang kanilang distrito sa Sorsogon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, ay ginamit lamang niya itong stepping stone para mapansin sa national level.

Nagtagumpay naman siya at naging Senador.

Pero ang masama hindi niya iniwan ang kanyang ‘heart’ sa Sorsogon. Sa katunayan kung babalik siyang congressman para sa Sorsogon, malamang mabokya pa siya sa mga kababayan ng kanyang tatay.

Nagliwaliw siya sa pusod ng pamomolitika sa Senado hanggang pataasin pa ang ambisyon para sa mataas na puwesto.

Ngayon nga ay nahaharap siya sa bakbakang pagka-bise presidente pero mukhang hindi siya makakukuha ng boto sa Bicolandia.

At ‘yan ay tila sumpang itinaga sa bato ng kanyang mga kaprobinsiya sa pangunguna ni Gov. Salceda.

Malayong-malayo siya kay Congresswoman Leni na ang heart, sansaglit man ay hindi ipinagdamot sa mga kababayang Bicolnon.

Dala ang bandila ng Camarines Sur, si congresswoman Leni ay huwaran ng isang lingkod bayan na hindi lumaki ang ulo at lalong hindi naging palalo.

Nanatili ang kababaang-loob na iniwan sa kanya ng kanyang esposong si Jesse.

Napakalaki ng diperensiya nina Chiz at Leni.

Kaya sa labanan sa Mayo 2016, tiyak, kakain ng alikabok si Chiz kay Leni.

‘Yun na!              

Papogi ni Mison courtesy of BI employees?

Ibang klase rin naman raw talaga kung magpapogi sa madla si Hingigration ‘este Immigration Comm. Fred ‘US green card’ Mison.

Noong nakaraang BI 75th anniversary na ginanap sa National Museum, hindi mabilang na mga politiko at mga sikat na personalities ang inimbitahan at talagang masasabing bongga at engrande ang ginawang selebrasyon.

(Btw, strictly for 200 BI employees lang daw ang invited sa affair…Bakeet!?)

Iba’t ibang klaseng awards ang ibinigay kasama na rito ang para kina DOJ Sec. Leila De Lima, former BI-Comm. Marcelino Libanan at iba’t ibang citations and awards para sa mga masisipsep ‘este masisipag daw na hepe at empleyado ng Bureau.

Masipag kaya saan???

Pero teka, alam naman kaya ng Bureau of Immigration employees at ni SOJ De Lima na ang nasabing okasyon ay ginastusan hindi ng mismong budget galing sa kanilang ahensiya kundi… wala pong magko-collapse… GINASTUSAN MULA SA SARILING BULSA NG MGA EMPLEYADO!

What the fact!?

Paano nangyari ‘yun? Hindi ba’t sariling paeklat ni Comm. Fred ‘dondon’ Mison ‘yan?

So nararapat lang na pagdating sa budget siya mismo ang mag-provide o mangalap!

Bakit hindi na lang niya kinuha sa kanyang Intelligence fund ang budget para riyan. Bakit kailangang sa bulsa ng mga empleyado niya!?

Anak ng teteng naman!

Napaka-unfair naman ng diskarteng ‘yan!

Isipin na lang na hindi naman lahat nakinabang at inimbitahan para sa okasyon na ‘yan pero kinakailangang mag-ambag para sa pampapogi ni pabebe Mison!?

‘Di ba masyado namang nakahihiya ‘yan!? Sabi nga ng ilan, kung ako ang nasa lugar niya, mahihiya kami!

Dapat hiningi muna ang consensus ng lahat bago kinaltasan ng P500 sa kanilang sweldo!

Pakiramdam nga raw nila para silang na-bully diyan!

Kahit sabihin pa na P500 lang ang contribution ng bawat empleyado nationwide, that is so unfair!

Absolutely UNFAIR!!!

Kawawa naman ang mga naimbitahang panauhing pandangal.

Kung alam lang nila na ‘yung mga ipinatikim sa kanilang putahe, mga pinalagok na masasarap na inumin, ang gumastos ay maliliit na kawani ng ahensiya na pawang masasama ang loob pero walang magawa dahil sa takot na sila ay mapag-initan.

Yucks!!!

Video karera nina Tayguro at Berting, iisa ang kwadra! (Attn: MPD DD Gen. Rolly Nana)

BOSSING JSY, alam niyo po ba na marami talaga ngayon ang nkalatag n VK makina sa San Andres ng PS-9 pero nagmula po ‘yan sa Sampaloc n sakop ng Presinto-4. Iisa lng po ang grupo nyang TAYGURO at BERTING na namamayagpag ngayon sa Maynila. Dati ay sa paligid lang ng Plaza/Rotonda ng Sampaloc pero ngayon po ay meron na rin sa Pandacan at sa isang malaking sementeryo. Patanong niyo rin po kay pulis bagman sa mga TATA KARYA-ASO kung sino-sino ang mga pulis na tongpast ky TAYGURO/BERTING. +639159022 – – – –

Tumbahan ng mga ilegalista trending sa Maynila?!

SIR JERRY, alam n’yo po ba na kahit mahigpit ang pagtatrabaho ng mga pulis-Maynila ay may ilan pa rin na nakakapagpakalat ng ilegal, gaya na lang po rito sa Tondo, Maynila. Mukhang uso po ang tumbahan/patayan ng mga ilegalista. Tama lng ‘yan n cla cla n lng magpatayan. – Concerned resident of Tondo. +63927565 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *