Monday , December 23 2024

Chiz ilalampaso ni Leni sa Bicolandia

leni chizKUNG matutuloy ang sagupaan ng mga bise presidenteng sina Chiz Escudero at Leni Robredo, naniniwala  si Albay Governor Joey Salceda na ilalampaso ng biyuda ni Jesse ang esposo ni Heart Evangelista.

Beteranong politiko man si Chiz, ang ‘heart’ naman niya ay hindi nararamdaman ng mga Bicolnon lalo ng mga kababayan niyang taga-Sorsogon.

Naniniwala ang marami, nang ambisyonin ni Chiz na katawanin ang kanilang distrito sa Sorsogon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, ay ginamit lamang niya itong stepping stone para mapansin sa national level.

Nagtagumpay naman siya at naging Senador.

Pero ang masama hindi niya iniwan ang kanyang ‘heart’ sa Sorsogon. Sa katunayan kung babalik siyang congressman para sa Sorsogon, malamang mabokya pa siya sa mga kababayan ng kanyang tatay.

Nagliwaliw siya sa pusod ng pamomolitika sa Senado hanggang pataasin pa ang ambisyon para sa mataas na puwesto.

Ngayon nga ay nahaharap siya sa bakbakang pagka-bise presidente pero mukhang hindi siya makakukuha ng boto sa Bicolandia.

At ‘yan ay tila sumpang itinaga sa bato ng kanyang mga kaprobinsiya sa pangunguna ni Gov. Salceda.

Malayong-malayo siya kay Congresswoman Leni na ang heart, sansaglit man ay hindi ipinagdamot sa mga kababayang Bicolnon.

Dala ang bandila ng Camarines Sur, si congresswoman Leni ay huwaran ng isang lingkod bayan na hindi lumaki ang ulo at lalong hindi naging palalo.

Nanatili ang kababaang-loob na iniwan sa kanya ng kanyang esposong si Jesse.

Napakalaki ng diperensiya nina Chiz at Leni.

Kaya sa labanan sa Mayo 2016, tiyak, kakain ng alikabok si Chiz kay Leni.

‘Yun na!              

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *