Friday , November 15 2024

SILG Senen Sarmiento ibinubugaw at ipinangongolektong ni Charlie at ni Clayd

00 Bulabugin jerry yap jsyHINDI pa man nag-iinit ang puwet ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary

Mel Senen Sarmiento, ‘e hayan at mayroong ilang mangongolektong na ibinubugaw siya sa mga ilegalista.

Isang alyas Charlie na taga-Murphy ang nag-iwan pa umano ng numero sa mga operator ng club, illegal gambling at sugal lupa.

Isang alyas Clayd at isa pang alyas Manong naman ang wala rin tigil sa pag-ikot sa mga club at pasugalan para magpakilala umanong kolek-TONG ni Secretary Sarmiento.

Take note, weekly raw po ang diin ng kolek-TONG, dahil ‘yan ang  mahigpit na utos ng bugaw san ‘este ng tanggapan umano ni Secretary.

Aruykopo!

Hindi yata nabigyan ng oryentasyon ni dating SILG Sec. Mar Roxas ang bata ‘este, ang humalili sa kanya — na huwag magpabugaw at higit sa lahat ay huwag magpabukol!

Anyway, Secretary Senen, ngayong alam na ninyo, na kayo’y ibinubugaw at ipinangongolekta sa mga ilegalista palagay natin ‘e mayroon kayong tungkulin na sudsurin kung sino man ‘yang grupo na ‘yan.

Dapat bigyan ninyo ng leksiyon ang grupong ‘yan dahil kung hindi, tiyak na magigising na lang kayo isang araw na marami na ang nagkamal ng salapi gamit ang pangalan ninyo…

Kilos na agad-agad Secretary Senen!      

Hindi lang trigger happy gunrunner na rin

HINDI pa natin nalilimutan ang insidente ng pamamaril sa Greenhills ng anak ni basketball legend at dating Senador Robert Jaworski na si Ryan Joseph Jaworski.

Kuwarenta anyos na si Ryan pero mukhang hindi niya naiisip kug ano ang kanyang ginagawa.

Kung noon ilog o creek na may daga ang kanyang binabaril ngayon naman nagtutulak siya ng baril.

Aba ‘e heto lang naman ang nakatakdang ibenta ni Ryan nang palihim isang shot gun riffle, 19 pirasong fire cartridges mula sa M-16 riffle, 14 mula sa 9mm at dalawang piraso mula sa caliber .40.

Bumibigat ang negosyo mo Brod.

Armas at bala naman ngayon.

Aba hindi lang nagtulak baril, nakipagbarilan ka pa sa mga tauhan ng Regional Police Intelligence Operation Unit (RPIO) ng National Capital Regional Police (NCRPO) sa gunrunning buy-bust operation sa Makati City kahapon ng madaling-araw.

Ginagamot na si Ryan sa Makati Medical Center si Ryan dahil sa tama ng bala sa kanang hita.

Habang ‘yung kasama naman niya na si Joselito Au, 52, Chinese-Filipino, ng Lot 1, Block 6, V.V. Soliven, Green Park, Cainta, Rizal ay nasa kustodiya na ng pulis.

Aba, Senator Robert Jawo, diyan mo kaya gamitin sa mga anak mo ang pagiging legend mo lalo na sa pagguguwardiya?

Buti na lang at hindi nakadisgrasya ng tao ‘yan at sila ang nadisgrasya (hindi pa nga natuluyan ‘e) ng kasama niya, kung nagkataon ‘e kawawa naman ‘yung biktima.

Tsk tsk tsk…

Pakikiramay at pagpupugay

NAKIKIRAMAY po tayo sa pamilya ng yumaong premyadong mamamahayag na si Aries Rufo.

Hindi po natin personal na nakilala si Aries pero maraming mabubuting kuwento ang narinig natin tungkol sa kanya mula sa mga kaibigan nating si Nelson Flores at Joel Zurbano.

Nabawasan tayo ng isang mahusay na journalist pero alam nating may naiwan siyang mabuting pamana sa mga mamamahayag na nakasama niya sa beat.

Paalam, hangad natin ang isang mapayapa at makabuluhang paglalakbay ni Aries pauwi sa ating pinagmulan…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *