Sinabi ni Lance na ang magiging plataporma niya ay nakasentro sa youth at sports. Ang Vice Mayor ng San Juan na si Francis Zamora at Congressman Ronnie Zamora ang nag-imbita sa kanya para pasukin ang politika.
Ano ang ine-expect niyang magiging pagtanggap ng mga taga-San Juan? “Bago pa man ako pumasok sa politika, I’ve already been making my goodwill rounds. Sharing my story and inspiring the youth to be more forgiving and to have a more positive outlook on life and to be true to their faith.
“During those days, ni hindi ko naisip ang politika. I do it as thanksgiving for all the blessings I’ve received. And now, ganoon din mismo ang pakay ko-to insipire the youth. The people have been very warm sa akin because matagal ko na sila nakakasama,” saad sa amin ni Lance.
Masasabi mo bang may basbas ni Lord ang pag-entra mo sa politika? “Yes, my motto is. ‘When making crucial decisions on life, seek guidance from God first, then use the free will he gave you to come up with your best choice.’
“Because I wanted to be certain that even if I’m in politics, maipagpapatuloy ko ang mission ko of being a positive inspiration. At nakita ko naman eventually that it is, indeed, possible.”
Totoo bang blue na paro-paro ang hiningi mong sign sa desisyong ito? “Yes po, I know na walang ganoon talaga. Pero kung may makita akong ganoon, it means na meant for me ang pumasok sa politics. Ang nakakagulat talaga, in one event that I attended, biglang kumidlat nang malakas. So I saw lightning. ‘Tapos biglang may butterflies na lumipad everywhere dahil nabulabog sila ng lightning.
“Then may babaeng lumapit sa akin at humihingi ng tulong para sa anak niya. I asked kung ano ba ang sakit ng bata? Sagot niya, ‘Blue baby po siya.’ Kaya natulala talaga ako. Because all the signs are there. There was electric which was lightning. May mga butterflies ‘tapos may blue baby.So that made me said yes,” paliwanag pa ni Lance ukol sa electric blue na paro-paro.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio