Sunday , December 22 2024

Ang Republic Act 9225 of 2003

USAPING BAYAN LogoMARAMI pa rin ang hindi nakauunawa kung bakit hindi kwalipikado si Senadora Grace Poe para maging pangulo ng bansa.

Sa aking palagay ay may dalawang dahilan kung bakit hindi pwede si Aling Grace na maging pangulo ng ating republika. Una, isinuka na niyang minsan ang pagiging Filipina kapalit ng pagiging Amerikana; at pangalawa ay ang R.A. 9225 of 2003 o ‘yung tinatawag na “Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 2003.” Ito rin ay mas kilala sa tawag na “Dual Citizenship Law.

Ayon sa R.A. 9225, kikilalanin pa rin na isang “natural born citizen” ang sino man Filipino na naging mamamayan ng ibang bansa matapos ang Septiyembre 2003 (ang panahon na naging batas ang R.A. 9225) basta sila ay manunumpa muli nang katapatan sa ating Republika ayon sa mandato ng batas.

Ibig sabihin ay ituturing na hindi kailan man nawala ang kanilang pagiging mamamayan ng Filipinas, na parang wala silang ginawang hakbang para mabawi muli ang kanilang pagkamamamayan. Gayon man, ang puwede lamang makinabang sa pribilehiyong ito ay ‘yung mga Filipino na naging mamamayan ng ibang bansa matapos maging ganap na batas ang R.A. 9225 noong Septiyembre 2003.

Samakatuwid, ang isang Filipino na naging mamamayan ng ibang bansa bago ang Septiyembre 2003 at naging mamamayan muli ng Filipinas ay ituturing na isang nang “naturalized” at hindi “natural born” Filipino. Mahalaga ang paglilinaw na ito sapagkat ayon sa 1987 Constitution, ang pagiging “natural born” ay isa sa mga kailangan na kwalipikasyon para maging pangulo o ikalawang pangulo ng bansa, miyembro ng kongreso’t hudikatura o ‘di kaya ng mga constitutional commissions.

Pansinin na isinuka ni Aling Grace ang kanyang pagiging mamamayan ng Filipinas noong 2001, dalawang taon bago naging batas ang R.A. 9225, nang piliin niyang maging isang Amerikana. Nabawi niya ang kanyang pagkamamamayan ng Filipinas noong 2006. Batay sa mga datos na ito ay malinaw pa sa sikat ng Haring Araw na si Aling Grace ay isang nang “naturalized” Filipino, isang legal na katayuang civil na nagdidiskwalipika sa kanya para maging pangulo natin.

Ayon sa 1987 Constitution, ang isang “natural born” na Filipino ay isang mamamayan ng ating republika na walang kailangang gawin para makuha o mabawi ang kanyang pagiging mamamayan ng Filipinas samantalang ang isang naturalized Filipino ay may dinaanan na proseso para maging mamamayan ng Filipinas.

* * *

Ako ay taimtim na nakikiramay sa mga mahal sa buhay at kasama sa pamamahayag ng sumakabilang buhay na si Aries Rufo. Nakasama ko si Aries, na noon ay batang-batang reporter ng isang “broadsheet” na pahayagan, habang nagko-cover sa Kamaynilaan. Siya ay mahusay at masayang kasama. Ang mga katangian na ito ang lagi kong maaalala sa kanya.

Sumalangit ka nawa Aries.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *