Sunday , December 22 2024

Pekeng resibo gamit sa kolektong sa Blumentritt at Pritil Market

BlumentrittIISA ang estilo ng ilang tulisan ngayon na nariyan sa Manila City Hall na sinasabing nakadikit sa mga amo nila.

Puro style-bulok para makapangulimbat ng salapi sa mga nagsisikap ngunit anila’y pinahihirapang vendors.

Sa Blumentritt market at sa mga sulok nito ay lantaran ang paniningil ng P30 araw-araw kada isang kariton o mesa ng mga vendor sa loob at labas ng nasabing palengke.

Gamit lang ang isang kapirasong papel na kung tawagin nila ay ‘resibo’ kuno na hindi naman O.R. o legal na resibo.

Sonabagan!!!

Ang matindi pa, ang nakalagay na halaga sa pekeng resibo ay P10 lamang pero ang sinisingil ay P30!

Anong say kaya ng Manila Treasurer’s office  sa isyung ito!?

Saan at kanino napupunta ang sobrang P20 pesos na sinisingil nila!?

Paki-explain nga MASTER ABET TABAKO!

Iba pa raw ang para sa barangay at sa isang alias LETSE!

Ganyan rin ang nangyayaring kalakaran sa loob at labas ng Pritil market.

‘Yan ba ang malaking pagbabago sa Maynila!?

ANO ANG MISTERYO

NG LOUIS VIII SA BI?!

ANG sarap naman niyan!

Maraming nagbalita sa atin na nakita raw sa FB wall ng isang Atty. Renny Domingo ang patalastas na “LOUIS VIII FOR SALE. PM ME FOR INQUIRIES.”

Kung hindi tayo nagkakamali, ang LOUIS VII ay nagkakahalaga ngayon ng US$2,600…

Ang laking halaga niyan ha!

Ayon sa ating napakagaling na bubwit, ang LOUIS VIII na ‘yan ay regalo umano ng isang notoryus na chinese travel agency owner cum fixer sa Bureau of Immigration (BI) sa isang opisyal sa Office of the Comissioner (OCOM).

Nang malaman daw ng taga-OCOM kung magkano ang halaga ng nasabing alak, aba ‘e nagdesisyon siyang huwag nang lasapin ang sarap nito kundi pagkakitaan na lang daw.

Mantakin ninyong halos mahigit isandaang libong piso pala ang halaga niyan?!

SONBAGANCHI!!!

Ang bumili pa nga raw ng nasabing alak ‘e ang hubby ni Lady Binondo connection.

Pero ang pinakamagandang bisyo raw talaga ni Ma’m, ‘e ang mamigay ng gift cheques at lafang sa mga taga-BI-OCOM.

Bukod sa GC, para ring pabrika siya ng GADGETS kung mamigay sa anak ng mga opisyal ng OCOM gaya nga ng iPad, cellphone at iba pa…

Talagang super galante ‘ika nga.

At kapag may nagbe-birthday sa OCOM ‘e bumabaha ng lamon at cakes-pastries from Diamond hotel courtesy ni Ma’m.

No wonder, kung bakit laging everyday happy ang mga taga-BI lalo na ang mga taga-OCOM.

Ganoon na nga ba?!

‘E si SOJ Leila De Lima,napapadalhan rin kaya ng mga blessings sa BI?

‘Yun na!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *