Monday , December 23 2024

Crackdown vs ‘tong’ syndicate na Baclaran 7 iniutos ni Mayor Edwin Olivarez

BaclaranPINALALARGA na ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang imbestigasyon laban sa ‘TONG SYNDICATE’ na kung tawagin ay Baclaran 7, na nagpapasok ng illegal vendors kabilang na ang foreign traders kapalit ng kanilang itinatakdang ‘TARA.’

Sa impormasyong nakalap, nabatid na tumatabo nang halos P1 milyon ang nasabing sindikato mula sa tong at tara na kinokolekta nila sa mga illegal vendor at illegal foreign traders.

Sa record ng City Market Office, 300 vendors na nagbabayad ng P300 ang pinayagan nilang magtinda mula sa Service Road patungong Airport Road.

Pero nang kanilang inspeksiyonin mayroong 900 illegal vendors ang namamayagpag sa proteksiyon ng nasabing Baclaran 7.

Tinukoy na ang pumopronta bilang Baclaran 7 ay isang alyas Jojo na sinabing dating empleyado ng Bureau of Immigration; isang alyas Eve, na sinabing mataas na opisyal sa City Hall; at isang alyas Adam na konektado umano sa Southern Police District (SPD).

Kung mapapatunayan ni Mayor Olivarez na walang kakayahan ang mga hepe ng Police Community Precinct (PCP) sa Baclaran, Tambo at La Huerta na linisin ang mga illegal vendor na nagiging dahilan ng grabeng traffic sa nasabing lugar hindi umano siya mangingiming ipasibak sila sa kanilang mga puwesto.

Overstaying na nga raw ng Baclaran PCP commander diyan!

Inutusan na rin ni Mayor Olivarez si Kernel Ariel ‘overstaying’ Andrade na mahigpit na i-monitor ang aktibidad ng mga vendor sa nasabing bisinidad.

Alam nating parang bumabangga sa pader si Mayor Olivarez sa kanyang layunin na linisin ang Baclaran.

Pero mas naniniwala tayo sa kawagasan ng layunin ni Mayor Olivarez kaysa kaswapangan sa kuwarta ng kung sino mang mga nagpapatakbo sa Baclaran 7.

Sana lang kapag nahuli ‘yang mga nagpapatakbo ng Baclaran 7 — ibilad sa init ng araw doon mismo sa Baclaran at isa-isang ipakurot sa mga vendor na kanilang kinikikilan…

Sulong Mayor Olivarez, ibagsak, hulihin at ipakulong ang mga mangingikil/protektor ng illegal vendors.

Sino ang magbabanggaan sa VM?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *