“Thank you, thank you to all who supported and watched our movie. It’s great to know that the audience appreciated all our hard work,” sambit ni Coleen na overwhelmed pa rin sa tagumpay ng Ex With Benefitskatambal si Derek Ramsay at palabras pa rin hanggang ngayon on its third week.
Ayon kay Coleen, okey lamang sa kanya ang ibinansag na titulo, ”Definitely an honor. It’s such an honor. Kasi alam mo ‘yung pinaghirapan ko ‘yung project, pero ngayon parang nawala lahat ‘yung feeling na pagod, nawala ‘yung feeling na puyat. I feel everything amounted to this and its really worth it and sobra akong nagpapasalamat sa lahat ng tiwala na ibinigay sa akin especially ng Star Cinema and Star Magic. Sobrang nagpapasalamat talaga ako sa kanila,”giit ng aktres sa ibinigay na get together presscon para sa kanya noong Miyerkoles.
Ani Coleen, okey lang sa kanya ang titulong Sexy Drama Box Office Star kahit may sexy pa sa panimula ng titulo.”Hindi naman issue ‘yung sexy. May times na every role requires that (pagpapa-sexy). And baka naman magsawa ang mga tao kung every role eh, may sexy,” sambit nito. ”I want actually prove na I can do more than that hopefully.”
Okey lang gumawa kay Coleen ng sexy pero umaasa siyang mas maipakikita pa niya ang galing sa pag-arte. At habang on going ang presscon, inihayag ni Mico del Rosario, Star Cinema’s advertising and promotion manager, na may follow up movie na ang aktres. Ipa-finalize na raw ito next week at si Kris Gazmin daw ang mamamahala nito. At kapag nagustuhan daw ni Coleen, dalawang lalaki ang makakasama niya sa pelikulang gagagwin. Ayaw pa lang sabihin ni Mico kung medyo may pagka-sexy pa rin ang gagawing movie ni Coleen.
Dahil dalawang lalaki ang makakasama ni Coleen sa gagawing pelikula, natanong ito kung sino ang gustong makasama. ”Parang sobrang dami ng gusto kong makatrabaho. I like to work with Angel Locsin, John Lloyd Cruz, Coco Martin. Marami, kasi I can learn with so many people. I’m open to work with so many people.”
Sa kabilang banda, naibalita rin ni Coleen na babalik siya sa pag-aaral. Ito raw ang gustong-gusto niyang gawin eversince, ang makatapos ng kolehiyo.
Ani Coleen, sa Southville International School and Colleges niya ipagpapatuloy ang naudlot na pag-aaral. Nag-o-offer daw kasi roon ng program na aakma sa busy schedule niya sa showbiz.
“The busier I get, the more I yearn for it to still be a part of my life. I miss challenging myself academically and I have been constantly looking for it! I’ve been trying to search for a flexible degree program for years now, and who knew that I would find it right where I left off? Southville International School and Colleges — a place that has been home to me — now offers Blended Learning, which can work around my schedule,” ani Coleen sa Instagram post niya.
Sa naturang programa, maaaring mag-aral si Coleen online bagamat kinakailangan pa rin niyang magtungo sa campus paminsan-minsan.
“It’s perfect for me because it means I still get to work as much as I do now, but at the same time, I’ll be able to pursue a college degree of my choice! Win-win,” anito.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio