Sa mga Taclobanon, Taklub ang tawag nila sa nga basket na may takip na panghuli nila ng mga isda.
At ito ang titulo ng pelikula ni direk Brillante Mendoza na nagtatampok sa Superstar na si Nora Aunor.
Originally made as an advocacy film about climate change, nadesisyonan na ni direk Brillante to show it commercially para mas maraming tao pa ang makapanood. At showing na rin siya ngayon sa karamihan ng mga SM Cinemas.
Nakipagtsikahan kami with direk Dante sa ipinagmamalaki niyang Festival Cafe and Restaurant in the heart of Mandaluyong (947 Busilak street) na siyang nagsisilbing retreat space niya matapos ang pag-ikot sa iba’t ibang lugar sa buong mundo. The food is great prepared by his partner sa business na siya ring chef. At ang ganda ng ambience. Mula sa loob at sa labas sa garden, world class na rin itong maituturing.
Dito na nga ang watering hole ng mga artista at production people sa kanilang meetings, parties, dates, at kahit chillax lang.
Deadma na lang daw si direk sa mga intriga at isyu. We wouldn’t see him doing teleseryes dahil hindi raw siya cut out for that but he’s not closing his doors dahil nakapag-MMK (Maalaala Mo Kaya) na siya dahil sa advocacy niMs. Gina Lopez about illegal mining.
Better not compare raw the indie director like him sa mga mainstream o gumagawa ng commercial movies. Kasi, magkaiba naman talaga. And wala naman daw problema. He will do his work the way he wants to do it na wala siyang tatapakang iba!
Marami na ba siyang nataklubang kaliga niya?
Natawa! Ayaw daw niya ng away.
HARDTALK – Pilar Mateo