Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion, patuloy sa paghataw ang career!

091815 Carly Rae Jepsen maruon aunor

00 Alam mo na NonieKALIWA’T-KANAN ang exposure lately ni Marion. Matapos siyang maging front act ng sikat na Canadian singer na si Carly Rae Jepsen sa katatapos lang na concert nito sa Araneta Coliseum, sumunod ay napanood ko naman ang talented na anak ni Ms. Lala Aunor na nag-guest sa Umagang Kay Ganda sa ABS CBN.

Nang naka-chat ko si Marion kamakailan, inusisa namin siya kung ano ang na-feel niya sa pagiging in-demand niya ngayon to the point na naging front act pa siya ng isang internation singer.

“Masaya po, successful naman po yung show. Mukhang nag-enjoy naman yung mga fans ni Carly sa set ko and I also got to meet her so very happy ako.”

Paano mo ide-describe si Carly, fan ka ba niya? “Yes, fan po ako ni Carly especially since singer songwriter din siya. Super catchy din po kasi songs niya, nakaka-LSS. So blessing po talaga na na-meet ko siya and nakapagpa-picture pa, ha-ha-ha! She’s very nice.”

Paano ka napasali sa concert? Parang biglaan yata? “Yes, parang biglaan din po. Nag-inquire na po sila dati, waiting for confirmation from Carly’s manager noong time na yun, two days before lang talaga na confirm. Then noong nalaman ko na ako yung front act, super excited syempre.”

Ngayon ay naghahanda na ang singer/composer/actress para sa promo ng kanyang album na pinamagatang Marion. Nagpasalamat din siya kay Kathryn Bernardo dahil sa post ng Teen Queen sa kanyang blog hinggil sa album ni Marion.

“Grateful din ako na tinulungan ako ni Kathryn na i-promote yung album and the song through her blog.”

Sa ngayon ay marami nang naghihintay sa second album ni Marion sa Star Music. Actually pati kids ko ay excited na rito lalo na nang nalaman nilang ang You Dont Know Me na kasali rin sa album ni Katrhryn, ay parte ng second album ni Marion.

Naniniwala ako na magiging hit ang album na ito ni Marion base sa mga cuts dito na napakinggan ko na. More power to you, Marion!

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …