Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, Aminadong natakot gawin ang Etiquette for Mistresses

091815 kim chiu

00 SHOWBIZ ms m“Unang in-offer ito ni Tita Malou (Santos). Natakot ako. Bago siya sa ginagawa ko rito sa showbiz,” giit ni Kim na mapapanood na ang September 30 na simultaneous ang pagpapalabas sa Middle East, North America, at Europe. Bale ba ilang oras lang ang pagitan sa pagpapalabas ng pelikula.

“Sa siyam na taon ko sa showbiz hindi ako gumaganap sa ganitong role. First time ko siyang tinanggap,” paliwanag pa ni Kim. “Noong ibinigay sa akin ang tagal kong sumagot. Hindi ako nag-oo, hindi rin ako nag-hindi.  Inisip ko talaga, at humingi muna ako ng script.

“Sabi ko kasi medyo nakakakaba ‘yung title itself. Kinakabahan ako. Sabi ko, paano may susuporta ba sa akin dito?

“Kaya nag-explain sila hangang si Ate Kris (Aquino) nagsabi siya sa akin. Marami siyang sinabi hanggang sa, ‘oo nga ano bakit hindi ko naisip ‘yun. Parang it’s time for me to mature. Hindi na ako dapat pa-bebe na patawa at pa-jologs.

“Na kailangan ko ring tumanggap ng isang proyekto na magsasabi na parang aktres ako at woman na ako. Parang ganoon? Pa-deep na. Ako lang ang nagsabi ng ganoon.

“Noong natapos ko ang movie na ito nasabi ko ‘yun na woman na pala ako. And marami rin akong natutuhan in terms of love. And siyempre sa apat na kasama ko sa pelikulang ito.  Sa love its about respect, attraction, love choice and your decision,” mahabang esplika pa ni Kim.

Tinanong din ang batang aktres kung may posibilidad ba o kaya ba niyang maging kabit?

“Ay hindi. Hindi ko kaya,” agad na sagot nito. ”Maka-Diyos ako! Para sa akin lang po ‘yun. Ako lang po ‘yun. Sa bawat araw-araw ng buhay natin kailangan nating ma-experience ang mga bagay-bagay na mapapaisip tayo na ‘eh bakit ko nagagawa ‘yun and may mga bagay na hindi napagsisisihan dahil ito na tayo ngayon,” pagtatapos ni Kim.

Ang Etiquette for Mistresses ay idinirehe ng batikang direktor na si Chito Rono at makakasama rito ni Kim sinaKris Aquino, Claudine Barretto, Iza Calzado, at Cheena Crab mula sa panulat ni Kriz Gazmen.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …