Friday , November 15 2024

Kakainin mo ba uli ang isinuka mo?

USAPING BAYAN LogoIYAN ang tanong ko sa inyo mga kababayan dangan kasi ay nagdeklara na si Senadora Grace Poe ng kanyang pagnanasa na maging pangulo ng bayan na kanya nang minsan ay itinakwil.

Bukod pa sa katotohanang ito ay hindi pa malinaw kung talagang kwalipikado siyang sumali sa karera para sa pinakamataas na poder ng ating republika.

Taon 2001 nang manumpa ng katapatan si Aling Grace sa pamahalaang Amerikano upang maging isa siyang American citizen. Dahil gusto niyang maging Amerikana ay itinakwil niya ang kanyang pagiging Filipina. Heto basahin natin ang “Naturalization Oath of Allegiance to the United States of America” na kanyang sinambit habang nakataas ang kanang kamay sa harap ng bandilang Amerikano.

“I hereby declare, on oath, that I absolutely and entirely renounce and abjure all allegiance and fidelity to any foreign prince, potentate, state, or sovereignty, of whom or which I have heretofore been a subject or citizen; that I will support and defend the Constitution and laws of the United States of America against all enemies, foreign and domestic; that I will bear true faith and allegiance to the same; that I will bear arms on behalf of the United States when required by the law; that I will perform non-combatant service in the Armed Forces of the United States when required by the law; that

I will perform work of national importance under civilian direction when required by the law; and that I take this obligation freely, without any mental reservation or purpose of evasion; so help me God.”

Pansinin na pinanumpaan ni Aling Grace na “…I absolutely and entirely renounce and abjure all allegiance and fidelity…” na ang ibig sabihin ay buong-buo niyang tinatalikuran at itinatakwil ang pagiging Filipina kapalit ng kanyang pagiging Amerikana.

Wala naman dahilan para Itakwil niya ang kanyang bayan at mga kababayan dahil mula naman siya sa mga maimpluwensya at mayamang pamilya. Lahat ay nasa kanila na kaya ano pa ang dahilan niya para itakwil tayo? Pwede naman na naging immigrant (permanent resident) o turista na lamang siya sa Amerika pero pinili niya talaga na maging Amerikana.

Itinakwil na niya tayo nang walang dahilan tapos ngayon gusto niyang maging pangulo natin. Sa pagkakaalam ko ay hayop na walang muwang lamang lang ang kumakain ng isinuka na.

* * *

Bukod sa kanyang pagtatakwil sa atin, mayroong mga tanong na dapat sagutin si Aling Grace kaugnay ng kanyang kwalipikasyon para maging pangulo ayon na rin sa probisyon ng Republic Act 9225. Tatalakayin natin ang batas na ito sa susunod.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna.

Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *