at kumawala sa comfort zone ko,” ito ang tinuran niKim Chiu nang tanungin ito sa presscon ng Etiquette For Mistresses noong Miyerkoles ng gabi kung bakit niya tinanggap ang role na batang kabit.
Ginagampanan ni Kim ang role ni Ina, isang sopistikada at well mannered na kabit. Isang entertainer/performer sa isang lounge.
“Gusto ko mag-try and I’m so proud na nagawa ko s’ya and happy na nakalampas ng isang Chito Rono movie,” sambit pa ni Kim na bagamat ikalawang beses na nilang nagsama ni Direk Chito ay ibang-iba raw itong Etiquette sa naunang ginawang pelikula. “’Yung isa multo-multo, ngayon isang dramatic naman with full of emotions.”
At dahil isang entertainer/performer ang role niya, sinabi ng batang aktres na tumaas ang respeto niya sa mga ito.”Habang sinu-shoot namin ‘yung eksena kumakanta ako sa lounge, tumaas ang respeto ko sa mga entertainer kasi parang ang hirap pala ng ginagawa nila. Kasi kung minsan nabobosohan sila, hinahawakan sila, eh wala silang magawa kasi nagtatrabaho sila. So sabi ko ‘o my God, ganito pala kahirap.’
“Kasi may mga eksenang hinihipuan sila so my God ang hirap kumita ng pera. ‘Yun ang literal na mahirap pala. So after niyon tumaas ang respeto ko sa mga entertainer and sa performer,” sambit pa ni Kim.
Isa pa sa sinasabing nahirapan si Kim ay sa teleserye acting niya na hindi raw nagustuhan ni Direk Chito. ”Ayaw ni direk ng teleserye acting. Sabi niya, ‘Kim soap opera ka na naman, eh’. Medyo mahirap talaga. Kasi may hinga, may tamang paghinga pala kapag sa pelikula. So parang at least natutuhan ko kung paano ang movie drama.”
Simultaneous showing—sept. 30 open sa phils, a few hours later open sa middle east, north America then Europe, oras lang po ang pagitan. Sunod-sunod nap o.
Natanong din si Kim kung hindi ba raw ito nagdalawang-isip nang i-offer ang Etiquette for Mistresses considering nga namang wholesome ang image niya?
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio