At ngayong 2015, nag-level-up na rin ang pagpapakita ng talent ni Ryzza Mae sa pamamagitan ng Princess in the Palace na matutunghayan na sa Lunes, Setyembre 21, 11:30 a.m. bago mag-Eat Bulaga.
“Dapat nilang abangan talaga. Kapag nakita na nila ang acting ni Ryzza, mabibigla sila. Ang bilis ng reactions niya. May mga ibinibigay akong directions sa kaniya, at marunong na siyang mag-absorb at makinig,” anang batikang direktor na si Mike Tuviera na very proud sa narating ni Ryzza Mae ngayon.
“Ang laki talaga ng potential niya. Not only is she a good host, an interviewer, and a good comedian, puwede rin talaga siyang dramatic actress. Naaaliw kami kasi nakikita namin ‘yung growth ng bata. We’re proud to be a part of that,” giit pa ng director.
Kung nasanay tayong nakikitang nagpapatawa si Aling Maliit, sa Lunes makikita naman natin ang pagpapamalas niya ng talento sa drama.
Aminado si Ryzza Mae na isang malaking hamon ang pagsabak niya sa drama. Hindi raw kasi siya sanay na magpaiyak o umiyak ‘di tulad ng show niya na comedy o pagpapatawa ang ginagawa niya.
Makakasama ni Aling Maliit si Eula Valdez at aminado itong medyo nahihiya siya rito. ”Ang galing-galing po kasi niyang artista tapos ako first time lang ako (na magda-drama),” sambit ni Aiza sa isa sa interbyu sa kanya.
“Excited ako lalo na noong nag-meeting pa lang kami nina Direk. Tuwang-tuwa talaga ako sa kanya kasi parang matanda, at saka nakakagigil siya. Noong nalaman ko na gusto niyang mag-level up at umarte, na-excite talaga ako,” nasambit naman ni Eula.
Kasama rin ni Aling Maliit si Aiza Seguerra at nasabi nitong, “magaling din si Ate Aiza at saka nakasama ko na rin siya sa mga movie kaya medyo okey ako sa kanya,” sambit pa nito.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio