Nakita at napanood naming ang trailer ng Resureksyon at tila bago ito sa mga karaniwang ginagawa na ng Regal dagdag pa na bago at batambata ang director nito, si lfonso “Borgy” Torre III. Hindi na naman baguhan si Direk Torre dahil siya rin ang nagdirehe ng Kabisera na nanalo siyang Best Director sa Cinema One Plus.
Ang Resureksyon ay hindi lamang katatakutan kundi kukurot sa mga puso ng manonood dahil ukol din ito sa pamilyang nagkawalay.
Magkapatid sa pelikula sina Isabelle Daza at Jasmine Curtis-Smith na maagang naulila. Kaya naman nagdesisyon si Isabelle na magtrabaho abroad bagamat ayaw ng kapatid na si Jasmine. Subalit sa halip na kasaganahan ang pagbabalik, bangkay nang bumalik sa kanilang probinsiya si Isabelle na ikinagitla ng lahat dahil bumangon ito mula sa pagkakahiga sa kabaong. Kaya pala nangyari iyon ay nakagat ng bampira si Isabelle sa bansang pinanggalingan.
Kaya sa Sept. 23 maghahasik ng bagsik ang mga bampira sa Resureksyon.
Kasama rin nina Isabelle at Jasmine sa Resureksyon sina Paulo Avelino, Raikko Mateo, John Lapus, Alex Castro,at Nino Muhlach.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio