Tuesday , November 5 2024

Ayong Maliksi gaano katotoong kumpadre ang ilang gambling lord?

00 rex target logoUMALMA sa pinakahuling aksyon ni PCSO Chairman Ayong Maliksi ang ilang bigtime gambling lord ng bansa patungkol sa kampanya laban sa STL cum jueteng operations.

Ayon sa ating sources, hindi naiiba si Maliksi sa mga kilalang kaalyado ng Pangulong Aquino na nagpapatupad ng tinaguriang ‘selective justice.’

Selective din umano ang PCSO chairman sa kampanya laban sa illegal gambling partikular ang patungkol sa jueteng.

Kung kamay na bakal ang gamit sa pagdurog sa mga kilalang gambling lords ng Gitna at Hilagang Luzon, tila tiklop naman ang bagwis nito sa isang hari ng ilegal na sugal sa Cagayan Province na sinasabing kumpadre at bosom friend ng topman ng PCSO.

Kung bantay-sarado ng mga awtoridad ang operasyon ng STL cum jueteng ng mga katulad ni BONG PINEDA, CHARING MAGBUHOS, RENE REYES, AIDA SANCHEZ, BOGART ATAYDE, OTTO BALBOA, RENE IMPERIAL, EDY ‘KABAYO’ GONZALES, EDDIE VICEO, DON RAMON FREZA, CEZAR REYEZ, DANTE ALVAREZ, PAKNOY PULIS PRESNEDI, GIL TEPANG, MON GAPO at BHER PULIS NABARRO at iba pang STL cum juteng financiers, largado naman ang network ng kumpadre ni Chairman Maliksi.

Malawak din ang sakop na teritoryo ng sinasabing kumpadre ni Maliksi na hari rin ng ilegal na sugal sa bansa.

Ito ang karnal na kalaban ng esposo ni Pampanga Governor Nanay Baby Pineda.

Ayon pa sa reliable informants, hindi lamang sa negosyo ng ilegal na sugal magkalaban ang dalawa kundi pati sa pagsuporta sa mga presidentiables sa darating na 2016 elections.

Si Pineda umano ay isa sa malalaking campaign supporters ni VP Jojo Binay samantalang ang kumpadre ni Maliksi ay isang loyalist LP supporter.

To make some hints, kilala ang mama sa alyas na A to A at minsan na rin naging buddy-buddy ng isang ex-president.

Nakulong din sa US ngunit makaraang ma-extradite dito sa Pinas ay muling pumaimbulog sa legal at illegal na negosyo.

Huling impormasyon natin, isang mega high-end sabungan ang nakatakdang itayo diyan sa lungsod ni Mayor Erap Estrada ng Maynila.

Target ng itatayong sabungan na banggain ang estabilisadong San Juan Cockpit Colesium ni Mr. Bong Pineda.

Going back dito sa kampanya ng PCSO laban sa jueteng, tila tiklop din at nganga lamang ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa isyu nang tuluyang pagsugpo sa nasabing illegal numbers game maging ito man ay PNP, NBI o mga ahensiya ng gobyerno gaya ng GAB na pinamumunuan ni Chairman Juan Ramon Guanzon.

Pati na ang komite sa Games and Amusement ng Kamara at ng Senado na sina Congressman Elpidio Barzaga at  Sen. Sonny Angara.

Tingin kasi nila sa kampanya ni Maliksi ay isang ‘fund raising activity’ lamang para makalikom ng pondo para sa campaign funds ng Liberal Party (LP) ni wannabee President Mar Roxas.

May kasunod…

Subaybayan!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 pm. Mag email sa [email protected]

About Rex Cayanong

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Walang kamatayang hearing sa House at Senate, meron bang nareresolba?

YANIGni Bong Ramos SUNOD-SUNOD at walang kamatayang hearing ang nagaganap sa Senate at House, ang …

Umaasa ng tama mula kay Marcos

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. Siguradong tatanggalin na ng PAGASA ang Kristine sa inuulit …

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …

Epic meltdown

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. “WHO can stand before jealousy?” sabi sa Proverbs. “Wrath …

QC VM Sotto, kinilalang Asia’s Most Outstanding Public Servant

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG pinagpala ang milyong QCitizens sa mga lider ng Quezon City …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *