Aries (April 18-May 13) Makararanas ng pagdududa sa negosyo ngayon.
Taurus (May 13-June 21) Mag-ingat sa pagpili ng mga kaibigan, alyansa o kasama sa pagbiyahe.
Gemini (June 21-July 20) Pagtuunan ng pansin ang pakikipag-ugnayan sa mga kliyente at karibal.
Cancer (July 20-Aug. 10) Hindi mainam ang panahon ngayon para sa mahalagang strategic decisions o mahalagang mga pagbabago.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Ang bagong kakilala ay aakit sa iyo na parang magnet.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Ang psychological flexibility ang makatutulong sa open-minded people sa pag-aayos ng sitwasyon ngayon.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Ang pakikipagkuwentuhan sa pamilya, kaibigan, o mga kasama ang makatutulong sa iyo para gumaan ang pakiramdam sa kabila nang mabigat na pinagdadaanan.
Scorpio (Nov. 23-29) Ang open-minded people ay magagawang makatakas sa adjusted routine ng buhay at makatutungo sa pamilyar na sitwasyon.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Makararamdaman nang paiba-ibang moods ngayon, ngunit hindi naman matindi.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Madi-distract ka sa iyong trabaho dahil sa maraming tawag, kahilingan at mga tanong.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Maaaring maging interesado ka sa kaalaman na walang kinalaman sa iyong trabaho, kaya mag-focus sa iyong ginagawa.
Pisces (March 11-April 18) Hindi kailangang planuhin ang ano mang mahalagang negosasyon o pagpupulong.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Magiging maingat ka sa iyong aksyon, at magiging mabusisi sa mga gawain.
ni Lady Dee