Friday , November 15 2024

DSWD lalong nadiin sa COA (Donasyon sa ‘Yolanda’ ‘di naipamahagi)

LALONG nadiin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa naging ulat ng Commission on Audit (COA).

Lumalabas sa audit ng COA, totoo ngang nabigo ang nasabing ahensiya na maipamahagi agad ang natanggap nitong cash donations at family food packs sa mga biktima ng supertyphoon Yolanda.

Base sa datos, nasa P382 milyong local at foreign cash donations para sa mga biktima ng bagyo o 33% ng P1.15B na natanggap ng DSWD, ang nananatili sa bank accounts nito.

Sa ulat pa ng ahensiya, nabigo rin ang DSWD na maipamahagi ang P141milyong halaga ng family food packs kaya nasayang dahil nabulok  lamang.

Ayon kay Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon, ilang beses nang kinondena ang DSWD dahil sa mismanagement at mabagal na distribusyon ng tulong sa mga biktima ng nasabing bagyo.

Bira ng mambabatas, dapat managot ang lahat ng responsable sa naturang kapalpakan ng DSWD lalo na ang administrasyong Aquino at iba pang ahensiya  na nangangasiwa sa distribusyon ng tulong.

About jsy publishing

Check Also

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *