Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mojack Perez, orig baby ng Bangis FM

091415 mojak Bangis

00 Alam mo na NonieNAKAHUNTAHAN ko ang masipag na singer/comedian na si Mojack Perez at ang may-ari ng Bangis FM na si Jonash ‘Nash’ Marcos na sinabing itinayo niya ang Bangis FM dahil sa hangaring tumulong.

“Itinayo namin yung Bangis FM to help street kids hanggang sa nakilala ng ibang OFW sa ibang bansa, hanggang nag-click. Pagkatapos, tuloy-tuloy pa rin ang pagtulong namin sa mga bata, kasi yun ang main goal namin. Before nakabase siya sa UAE pero ngayon nasa USA na ang Bangis FM. Yung co-DJ ko kasi parang business partner kami sa Bangis. Si Charlie Potato is my co-DJ.

“Iyong mga OFW kasi is homesick, kaya ang mga OPM song, ipino-promote namin. Etong Bangis, 24 hours ito at may mga DJ’s kami iba-ibang bansa like sa Israel, Saudi Arabia, sa Dubai, at sa US. Online radio station siya to be exact.

“Tumutulong sa amin ang mga OFW, kapag alam nilang magbibigay kami kunwari we’re going to Malate or Baywalk, magdo-donate sila. Iyong mga bata binibigyan namin sila ng goods kagaya ng bigas, de lata…,” saad ni Nash.

Sa panig naman ni Mojack, nasabi niyang siya ang first artist sa Bangis FM na kinompirma naman ni Jonash. “Guest lang po ako sa kanila pero phone patch lang ang pag ere namin with interview sa akin. Sumasama rin ako sa kanila, tinutulungan namin yung mga bata na street children at kahit matanda. Ngayon, pinag-uusapan namin ang gagawing project ng pagtulong sa mga tao.”

Naikuwento rin ni Mojack na open na rin ang kanilang 92.7 Brigada News FM sa Pampanga at ang kanyang kagalakan sa pagiging bahagi ng Brigada 104.7 FM. “Every Sunday po sa Brigada News FM mapapakinggan ako from 3 to 6 pm sa programa kong Magpa MP na! Ang Brigada ay naririnig Nationwide hindi lang nationwide kundi buong mundo dahil may live streaming po kami dito sa link na www.brigada.ph

“Masaya ako as a DJ dahil nakakausap ko ang mga taong dati napapanood lang ako sa stageshow. Ngayon, may chance na nila akong makausap ng live sa pamamagitan ng Brigada at napapasaya ko pa sila at nabibigyan ko ng chance na batiin nila ang kanilang mga love ones all over the globe.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …