Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasalang Vic-Pauleen, ‘di pa plantsado

091115 Vic Pauleen

00 Alam mo na NonieNILINAW ni Bossing Vic Sotto na wala pang detalye ang kasal nila ng kasintahang si Pauleen Luna. Kumalat ang bali-balita sa napipintong pagpapakasal nina Vic at Pauleen nang umamin si Vic kamakailan na engaged na sila ni Pauleen. Marami kasi ang nakapasin sa suot nitong diamond ring sa Eat Bulaga ni Pauleen.

Kasunod nito, napa-ulat na ngayong Disyembre na raw magpapakasal sina Vic at Pauleen, na apat na taon na ang itinatakbo ng relasyon.

Although aminadong excited na ang komedyante hinggil sa bagay na ito, pero hindi pa raw niya talaga ito iniisip pa muna.

“Wala pa eh, no details. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga balita, mga haka-haka lang iyan. May nagsasabing end of the year daw,” esplika ng ace comedian.

Sinabi rin ng TV host/comedian na kung sila ni Pauleen ang masusunod, mas gusto nila ang intimate o pribadong kasalan.

“Kasi naman kami ni Pauleen we’re not into that mga engrandeng celebration, talagang sakto lang, mga kaibigan, family, mga Dabarkads…”

Itinanggi rin ni Vic ang balitang kaya nasa Amerika ngayon si Pauleen kasama ang mother nito ay para bumili na ng wedding gown. Pumunta lang daw roon ang kasintahan para dumalo sa kasalan.

“Ay hindi naman, she attended the wedding of her friend, wala pa naman kaming napapag-usapan na ganoong details. For me I’m so excited pero hindi ko pa talaga iniisip sa ngayon.”

Ang inamin ni Vic ay ang ipinapatayo nilang bahay. Matagal na raw nila itong pinlano, pero hindi pa raw tapos ang bahay.

“Hindi pa, itinatayo pa. Matagal na namin inaayos iyan. Long-range planning, e. It’s not something na, ‘Halika na, na biglaan.”

Sinabi rin ni Vic na matagal na rin nilang napag-usapan ni Pauleen ang hinggil sa paglagay sa tahimik.

“Basta I’m looking forward of settling down, iyong family. Ganoon lang kasimple. Wala akong pinagtutuunan ng pansin na ganito ang gagawin ko, gagawin natin.

“Hindi naman ako yung tipong ganoon, e. I live my life a day at a time. Kung ano ang nandiyan, kung anong dapat gawin.

“Marami kaming mga plano, marami na kaming mga napag-usapan and yun naman ishe-share ko sa inyo, ishe-share ko sa mga Dabarkads, sa lahat ng mga tao na sumusubaybay, sa tamang panahon.”

Samantala, hindi na pala Romcom-in Mo Ako ang title ng entry nina Vic at Ai Ai delas Alas sa 2015 Metro Manila Film Festival. Pinalitan na pala ito at ginawa ng  My Pabebe Love na isinulat at pamamahalan ni Direk Joey Reyes.

“Definitely it’s not fantasy and for me it’s my first time doing a rom-com, talagang serious na rom-com and first time ko ito.

“I’m really very excited na masimulan na ang pelikulang ito and hopefully maayos lahat ng casting,” saad pa ni Vic.

Kompirmadong bahagi ng pelikula si Alden Richards. Pero hindi pa raw pala sigurado kung kasali na rin si Maine Mendoza aka Yaya Dub sa naturang pelikula. Depende pa raw ito kung ano ang susunod na mangyayari sa patok na patok na Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Pero nararamdaman ko na makakasali dyan si Yaya Dub. Ang lakas kasi ng hatak ni Maine sa masa at sure ako na isa ito sa iko-consider nina Vic at Ai Ai, pati na ng mga producers ng naturang pelikula.

Matindi ang kompetisyon sa darating na MMFF at siguradong maraming AlDub fanatics ang susuporta nang todo-todo sa My Pabebe Love kung mapapanood nila rito ang mainit na tambalan nina Alden at Maine.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …