Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sexy Leslie: Tanga sa pag-ibig

00 sexy leslieSexy Leslie,

Kung katangahan lang ang pag-uusapan, wala na yatang dadaig pa sa kahangalan ko. High school pa lang kami, ako na ang nag-aasikaso sa kanya. Ako ang gumagawa ng assignments niya, projects, at pati pagtatakip sa magulang niya. Nang makatuntong kami sa kolehiyo, ako pa rin ang nag-aasiko sa kanya. Tiniis ko ang lahat kahit nagmumukha akong tanga. Iniiwan niya ako kapag dumarating ang kanyang barkada.

Third year college na kami ngayon, wala pa ring pagbabago sa pakikitungo niya sa akin. Parang hindi girlfriend ang trato nito sa akin. Lumalabas siya kung kailan niya gusto, ni hindi man lang nagpapasabi. Nagmumukha akong tanga sa kahihintay, hindi naman pala darating. Napapagod na ako sa ganitong sitwasyon. Kadalasan, ako pa ang ginagawa niyang dahilan kapag hindi siya nakakauwi ng maaga, kesyo nasa amin daw siya, sinamahan niya akong mamili, nag-review kami. ‘Yon pala iba ang nire-review.

Inamin niya sa akin na may kinalolokohan siyang babae. Kilala ko raw ito at ako lang ang makatutulong sa kanya dahil malapit ako rito. Balak pa akong gawing tulay. Sa galit ko, sinampal ko siya at sinabing huwag ng magpapakita pa. Cat-Cat

Sa iy Cat-Cat,

Tama lang ‘yun! Abusado pala! Buti nga nagising ka sa matagal mong pagkakatulog. Alam mo hindi maganda ‘yung masyadong mabait ang isang tao dahil kadalasan, inaabuso ng iba!

Masyado siyang dumepende sa iyo kaya tiyak na maaalala ka rin nito lalo na’t wala ka na sa tabi niya ngayon. Marami ka ng oras na inaksaya sa kanya kaya sarili mo naman ang asikasuhin mo ngayon. Kung tutuuin, kulang pa ang sampal bilang kabayaran sa iyong pagkakatanga ika mo nga.

Patunayan mo sa kanya na nagkamali siya nang paglaruan ka. Hindi siya kawalan sa buhay mo dahil kaya mong tumayong mag-isa. Kumbaga, sa ginisa e, isa lang siya sa mga sangkap nito na nagpasarap at nagbigay ng kulay sa buhay mo. Bagama’t tila nasunog kaya pumait ang lasa, aba, pasalamat ka rin sa kanya dahil hindi mo malalaman kung gaano kasarap ang magtiwala sa sarili kung hindi mo nalasap kung paano ibaba ng iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …