DUMATING na sa bansa kahapon ang Perlas Pilipinas mula sa Wuhan, Tsina, kung saan gumawa ito ng kasaysayan noong isang linggo nang pumasok ito sa Level 1 ng 2015 FIBA Asia Women’s Championship.
Sa pangunguna nina coach Patrick Aquino at team manager Wilbert Loa, nilampaso ng Perlas ang North Korea, 68-67, Sri Lanka, 65-45, Hong Kong, 75-62, Kazakhstan, 80-73 sa overtime at India, 82-76.
Isang talo lang ang nalasap ng Perlas at ito’y kontra Malaysia, 71-64.
Naging pinuno ng delegasyon si Samahang Basketbol ng Pilipinas deputy executive director Bernie Atienza.
Bukod sa Pilipinas, aabante sa Level 1 ng FIBA Asia Women’s Championship sa 2017 ang North Korea, Tsina, South Korea, Japan at Chinese-Taipei.
Ilan sa mga manlalaro ni Aquino sa Perlas ay sina Ewon Arayi, Afril Bernardino, Allana Lim at Shelly Gupilan. (James Ty III)