MARAMING nangangarap na nilalang—whose dreams have come true—ang tiyak na makare-relate sa masalimuot na buhay na pinagdaraanan at patuloy na pagdaraanan ni Mark Neumann.
Si Mark ang gumaganap sa papel bilang Tagku, ang pangunahing bida sa Baker King sa TV5.
Ang guwapong banyagang ito na may 50 porsiyentong dugong-Batangueno ay mula sa Alemanya (Germany). Like any troubled growing adult, nagkaroon din ng problema si Mark sa kanyang mga magulang (Pinoy ang kanyang ama).
Sa murang edad, tinuklas ni Mark kung anong ibig sabihin ng independent life, na ang bawat baryang kinikita niya ay galing sa kanyang pinagpawisan.
Back in Germany, sinubukan ni Mark na mamasukan sa pabrikang gumagawa ng mga beauty product. Naging shoe shine boy din siya.
But all’s not sugar and spice and all thing’s nice sa buhay ng batang aktor pagdating sa kanyang ama. Dahil lulong umano sa sabong sa Batangas, minabuting dalhin na lang ni Mark ang ama sa Alemanya.
Pero sa halip na pahalagahan ng ama ang layunin ng anak na ilayo ito sa bisyo ay si Mark pa ang masama at walang kuwentang anak.
Sa panayam namin kay Mark sa radio program ni Cristy Fermin na Cristy Ferminute (pansamantalang lumiban ang ka-tandem niyang si Richard Pinlac)—along withBaker King his co-stars—ayon dito, nakare-relate siya sa kanyang role roon.
Unlike sa mga nakasanayan na raw niyang paggawa ng light romance-comedy sa TV5, Mark is challenged by heavy dramatic scenes that would require shedding buckets of tears.
Tila isinasabuhay ni Mark ang bawat tagpo sa palabas, na ikinalulungkot ni Cristy dahil magtatapos na ang kanyang paboritong telenovela sa September 11.
Andrew, bubuhayin ang Cheenie Lachica ni Ai Ai
CHEENIE LACHICA magbabalik!
Kung marami na ang nakalimot sa pangalang ito, ito ang karakter na binigyang-buhay ni Ai Ai de las Alas sa late night program na Show and Tell hosted by Boy Abunda sa GMA during the early 90s. Ang karakter ay mula sa malikhaing konsepto ng multi-awarded playwright at stage/TV director ding si Floy Quintos.
Ayon kay Andrew de Real, punong manunulat ng Sunday PINASaya, nagpaalam na siya kay Floy na kung puwede’y muling buhayin ni Ai Ai ang kanyang karakter, na nakilala sa kanyang mahaba ngunit nakaaaliw na monologue na iba’t iba ang pinapaksa.
Sa APT Entertainment-produced show tuwing Sunday, mas gagawing malapit lang sa masang Pinoy ang mga subject na tatalakayin at ookrayin ni Cheenie.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III