Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Boyfriend ka-txt ng ex-misis

00 PanaginipGood morning Señor H.,

Ako po c Rosie taga-Taguig City. Gusto ko po sana ma-interpret ang panaginip ko na ‘yung bf ko ay nakikipag-txt pa pla sa dati nyang asawa. Kailan ko po kya mababasa sa column nio 2ng txt q. Araw2x po ako nagbabasa, tnx po.

                                             (09196141967)

To Rosie,

Ang ukol sa iyong boyfriend ay nagre-represent ng lagay ng relasyon mo sa kanya at kung ano ang nararamdaman mo para sa iyong kasintahan. Kapag nakita sa panaginip ang iyong boyfriend, ito ay sagisag ng pagdududa mo sa katatagan ng inyong relasyon at ng kanyang tunay na feelings sa iyo. Dapat mong siguraduhin ang iyong sarili at alamin mo kung bakit mayroon kang nararamdamang agam-agam sa kanya. May malaking koneksiyon din ang estado ng iyong damdamin bago ka natulog o nakatulog, lumabas kasi ang ilang bahagi ng iyong naiisip at nararamdaman sa iyong bungang-tulog. Kaya sadyang kailangang magka-usap at magkalinawan kayo ng iyong BF. Subalit hindi siya dapat husgahan ng padalos-dalos, kailangang marinig mo muna ang kanyang paliwanag, bago magdesisyon. Sa kabilang banda, hindi ka rin dapat labis na maging emosyonal, bagkus, dapat mong paganahin ang iyong isipan at common sense sa ganitong sitwasyon. Higit sa lahat, dapat na bigyang pagpapahalaga ang sariling kapakanan.

Ang panaginip mo ay maaaring may koneksiyon din sa kakulangan ng komunikasyon sa inyo ng BF mo, kaya naging ganyan ang panaginip mo. Dapat na mas maging bukas ang linya ng komunikasyon ninyong dalawa at maging mahinahon kapag pinag-uusapan ninyo ang ilang bagay na hindi ninyo napagkakasunduan.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …