Wednesday , November 20 2024

Managers ng LRT/MRT na sumahod lang pero inutil, ikulong at pagbayarin!

LRT MRTISA siguro sa mga dapat gawin ng gobyerno ay magpraktis ng reward system sa bawat ahensiya na nangangalaga sa mga vital installation sa bansa.

Reward system na kapag positibo sa mamamayan ang kanilang serbisyo ay bigyan ng incentives at kung wala namang ginawa sa panahon ng kanilang panunungkulan ay papanagutin at pagbayarin.

Isoli ang suweldong hindi pinagtrabahuan!

Isa na nga rito ang Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) na supposedly ay nagsisilbing mass transportation sa bansa.

Kung mass transportation, dapat ay nakatutulong ito para maging komportable ang pagbibiyahe ng mga kababayan nating umaasa sa araw-araw na pagbibiyahe sa murang halaga para makarating sa kanilang trabaho, paaralan at/o komunidad na inuuwian nang walang hassle at stress.

Kung hindi tayo nagkakamali, ‘yan ang vision ni dating Presidente Ferdinand Marcos kaya nga mayroong LRT, MRT at radial & circumferential roads.

S’yempre ang kasunod nang ganitong uri ng proyekto ay mas mataas na uri o kategorya na kahalintulad nito.

Maaaring mula sa 70 coaches ay madoble ito sa paglipas ng panahon. O ang dalawang balikan na riles ay maging apat.               

Pero hindi nga nangyari ito.        

Ang 70 coaches ay nabawasan na yata nang husto. Suwerte na sigurong 10 coaches pa ito. At ang riles, siyempre ganoon pa rin.

Ibig sabihin, sa haba ng panahon, walang ginawa ang mga namahala sa LRT at MRT.

Hindi nila naisip na darami ang mga taong gagamit nito kaya hindi rin nila naisip na kai-langan i-upgrade ang sistema…

At dahil sa kanilang kapabayaan, ang sambayanang commuters ang nagdurusa ngayon.

Kumubra lang ng suweldo at nagpakabusog ang mga opisyal pero hindi nagserbisyo.

Kaya dapat lang siguro na bawiin ang isinuweldo sa kanila at pagbayarin pa sa perhuwis-yong dala ng kanilang pamumuno sa LRT at MRT.

Hindi ba, managers Bobby Lastimoso, Mel Robles at Al Vitangcol III?!

Ano sa palagay ninyo, Secretary pabaya ‘este Abaya?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *