NILARGAHAN kahapon ang 2015 Philracom Lakambini Stakes Race sa pista ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Naging kapanapanabik ang naging pagtatapos ng nasabing laban nang tumawid sa finish line si Court of Honour na may isang kabayong agwat sa sumegundang si Gentle Strength dahil sa nagkaroon ng inquiry.
Pero sa pagrebisa sa video ng nasabing laban, napag-alaman na walang foul riding na naganap kung kaya napanatili ni Court of Honour ang primera premyo.
Sa panalo ni Court of Honour ay kumabig ang kanyang owner ng P720,000 sa kabuuang P1,200,000. Samantalang si Gentle Strength na sumegunda ay tumanggap ang may-ari nito ng P270,000.