Aries (April 18-May 13) Sa dakong hapon, posibleng magkaproblema sa pag-unawa sa matatanggap na impormasyon.
Taurus (May 13-June 21) Ang unang kalahating araw ngayon ay mainam para sa aktibong komunikasyon, gayondin sa pamimili.
Gemini (June 21-July 20) Mainam ang araw ngayon sa pag-aasikaso sa negosyo at sa mga obligasyon sa tahanan.
Cancer (July 20-Aug. 10) Bunsod ng kombinasyon ng emosyon at pagiging palakaibigan, magiging maayos ang iyong pakikipag-ugnayan sa mga tao.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Pakinggan ang kutob. At huwag babalewalain ang payo ng mga kaanak.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Ito ang tamang panahon para sa family councils at masusing pag-uusap.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Ang masusing komunikasyon sa trabaho ay maaaring kailangan ngayon. Maaaring kailangan mo ring lumahok sa ilang negosasyon.
Scorpio (Nov. 23-29) Pabor ang araw ngayon para sa pagbiyahe, pagsulat, long-distance calls, at quick business deals.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Magagamit ang oportunidad ngayon sa pag-analisa sa ilang nakaraang naganap at pag-aksyon.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Posibleng kagiliwan mo ang madaldal na kasama, kung siya ay cute, at posibleng ayawan kung maiirita ka.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Ang pakikipagkuwentuhan, paninigarilyo at coffee breaks ay posibleng makaistorbo sa iyong trabaho.
Pisces (March 11-April 18) Magkakaroon ka ng pagkakataong ipakita ang iyong talento at kaalaman sa human psychology.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Mainam ang araw ngayon sa pamimili ng mga kailangan sa bahay at pamamasyal kasama ng pamilya.
ni Lady Dee