NAKIPAGTAGISAN ng lakas ang mga atleta ng PHILIPPINE POWERLIFTING TEAM sa ginanap na world powerlifting championship sa Prague, Czech Republic (EUROPE).
Pinadala ni POWERLIFTING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES President EDDIE TORRES & RAMON DEBUQUE sa tulong ni PSC Chairman Richie Garcia ang apat na matitikas na lifter ng bansa sa pangunguna ni 16-year old JOAN MASANGKAY (43kg weight class) sa sub-junior division, JEREMY REIGN BAUTISTA- 47kg weight class sub-junior division, JASMINE MARTIN- 47kg junior division at REGIE RAMIREZ- 59kg junior division.
Hinarap ng bansa ang pinakamalalakas na powerlifter ng mundo tulad ng USA, RUSSIA, AUSTRIA, JAPAN, EUKRAINE, GERMANY, ROMANIA, POLAND, NORWAY, KAZAKHSTAN, HUNGARY at iba pang panig ng mundo.
223 athleta ang nagtagisan ng lakas sa nasabing competition at nakakuha ang PILIPINAS ng 5 silvers at 5 bronzes.
Tumayong head coach ng RP si BETINA BORDEOS sa team kasama ang SI head delagation ASPI CALAGOPI.