MAG-EKSPERIMENTO at subukang gamitin ang feng shui sa inyong kalusugan, moods, relasyon, pagiging malikahin, kakayahan sa pangangasiwa sa pananalapi, buhay-pamilya, career at ispirituwalidad.
FENG SHUI CHECKLIST
Nagsimula ba ang iyong problema makaraang lumipat ng bahay?
Nakaranas ka ba ng mga bagong problema magmula nang gumawa ka ng mga pagbabago sa inyong bahay?
Ang dati bang mga naninirahan sa bahay ay nakaranas din ng kaparehong mga problema?
Kung ang iyong sagot sa alinman sa mga tanong na ito ay “yes,” tingnan kung ang feng shui ng inyong bahay ay tugma sa mga problemang iyong nararanasan.
ni Lady Choi