Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

AJ, tanggap na ‘di sila meant-to-be ni Nadine

071415 james reid nadine lustre aj muhlach
KILIG mini-series!

Ito na nga ang nangyayari sa Wattpad Presents… ng TV5.

Kaya nga lahat ng palabas na istorya sa serye eh, hindi nawawalan ng followers.

Nagsimula ng August 31 ang susubaybayan this week naBebeng Pabebe Meets Super Jiro na susubok naman sa teamup nina Ella Cruz at AJ Muhlach.

Natanong namin ang unang nakapanayam namin nang ilunsad siya as Viva artist na si AJ kung hindi ba siya nanghihinayang na hindi nag-take off ang loveteam nila ni Nadine Lustre. Pero with James Reid pumailanlang ito.

Sa mga karakter na lang ba na gaya rito sa Wattpad siya aalagwa?

“Tanggap ko naman po na there are things na meant to be and not meant to be. Ang importante, we remain to be good friends up to now. Hindi man madalas magkita pero we know na we are thankful pa rin for those times na nagkasama kami sa ilang projects. Nagkatulungan. And now it’s her time to be where she is. Kung hindi man kami nag-click, sabi ko nga po hindi ko ‘yun ikasasama ng loob. Maybe hindi pareho ang direction namin. Ako steady lang. And happy with the projects given to me. I am also part of the ‘Felix Manalo’ movie. I portray the character of Ka Erdie Manalo.”

At nag-convert na pala sa INC si AJ. At ang dati niyang girlfriend ang dahilan. Pero kahit wala na sila, gusto na rin daw niya ang teachings sa Iglesia.

Aliw siya sa role niya as a superhero. Na kakulitan ang pabebe karakter ni Ella.

If he could be a super hero ang gusto raw niyang power eh ‘yung mako-control ang isip o utak ng sanlibutan. To do good siyempre!

Kiligin sa pagkikita ng pabebe at ang pinapangarap niyang super hero! This week lang ‘yan!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …