Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mar at Koring miss na miss na ang isa’t isa

090615 mar roxas korina

00 SHOWBIZ ms m“Halos hindi na nga kami nagkikita. Sa totoo lang miss na miss na namin ang isa’t isa,” ito ang tsika ni Ms. Korina Sanchez dahil hindi naman kaila sa atin na sobra ang hectic ng schedule ng asawa niyang si Mar Roxas.

Kapwa abala ang mag-asawa sa pag-ikot sa buong bansa para sa kani-kanilang adbokasiya. Si Ate Koring ay abala pa rin sa kanyang Handog-Tsinelas bilang bahagi ng Rated K campaign niya na patuloy na ipnamamahagi sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Patok din ang kanyang  Five Secrets To Success na paboritong paksa sa iba’t ibang mga unibersidad at mga paaralan.

“Ang sarap ng pakiramdam lalo na kapag nakikita ko ang mga ngiti at saya ng mga batang binibigyan namin ng bagong pares ng tsinelas. Nakalilimutan ko ang lahat ng pagod kapag hinahalikan nila ako,” ani Koring. “Exciting at masaya rin ang mga talk ko sa mga school dahil nakaka-refresh kasama ang mga estudyante. Punompuno sila ng pag-asa at sobrang positive nila.”

Si Kuya Mar naman ay abala sa pag-iikot sa bansa habang nagdadala ng mga fire trucks, patrol jeeps, patrol boats, CCTV cameras, at patubig sa ibat ibang bahagi ng bansa. Pagkakataon na rin daw ito para marinig ang pulso ng mga tao ukol sa iba’t ibang isyu. Sa totoo lang, nakaka-touch ang ang huling pagbisita ni Mar sa Bacolod dahil tubong Negros ang kanyang ina at pamilya. Sobrang saya nang bumisita si Mar sa Talisay Market ng Bacolod. Pinagkaguluhan siya sa palengke at hindi mapigilan ang mga tindera at tinderong lumapit sa kanya dahil sa kagalakan ng mga ito na makita ang pinakamamahal nilang si Mr. Palengke.

May nakita pa kaming larawan na dahil sa sobrang kaabalahan eh, sa  Iloilo pa nagkita ang mag-asawa. Wala silang kamalay-malay na pareho pala silang nasa Iloilo at magkakape sila sa iisang coffee shop.

“Sinabihan ako ng mga misis ng mga mayor at congressman na natural lang para sa mag-asawa na nasa serbisyo publiko na maging sobrang busy at magkagulatan. Ibang klase talaga. Kaya naman ‘di maipinta ang saya naming mag-asawa nang biglaan kaming nagkita sa Iloilo,” kuwento pa ni Koring.

Ganoon talaga ang buhay ng mga taong abala at iyon ang kapalit ng kasipagan nilang mag-asawa na halos hindi na magkita kaya naman ‘di mapigilan ang sweetness nila tuwing sila ay magkasama! ‘Yun na!

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …