Saturday , November 23 2024

Pagkahiwalay ng simbahan at estado

USAPING BAYAN LogoMAY mga nagtanong sa akin kamakailan kung ano raw ang ibig sabihin ng respeto sa “separation of church and state” o pagkahiwalay ng simbahan at estado kasi narinig nila ito ng kung ilang ulit na isinisigaw ng mga rallyistang Iglesia ni Cristo sa EDSA.

Ang “separation of church and state” ay prinsipyong gabay na sinusundan ng ating republika para maiwasan ang gulo na maaring ibunga ng impluwensya ng simbahan sa pamamahala at ang pakikialam ng estado sa mga mana-nampalataya. Ang prinsipyong ito ay matatagpuan sa Article II, Section 6; Article III, Section 5; at Article VI, Section 29. Paragraph (2) ng ating kasalukuyang Konstitusyon.

Ayon sa mga probisyong ito hindi maaring salingin ng pamahalaan ang pagkahiwalay ng simbahan at estado, hindi puwedeng magpasa ng batas kailan man ang kongreso na magbibi-gay pabor o diskriminasyon sa isang relihiyon…, o di kaya ay magbabawal sa pagsasabuhay nito. Hindi rin puwedeng maging basehan ang relihiyon sa pagtatamasa o pakikinabang ng civil at political rights.

Dagdag pa rito, walang pera ng bayan o pampublikong pagaari ang maaring ibigay, iba-yad o gamitin, diretsahan man o hindi; bilang suporta sa kahit na anong denominasyon o kahit na sinong pari, ministro, pastor o guro ng relihiyon maliban na lamang kung siya nagtatrabaho sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, mga bilangguan, paampunang pag-aari ng pamahalaan o leprosarium ng estado o bayan.

Malinaw sa mga probisyon na ito na bilang respeto hindi puwedeng usigin o bigyang pabor ng pamahalaan ang isang relihiyon, sekta o kulto dahil sa kanilang paniniwala maliban na kung ang paniniwalang ito ay laban sa batas o ikapapahamak ng mga mananampalataya. Samakatuwid, hindi rin dapat iniimpluwensiyahan ng ano mang relihiyon, sekta o kulto ang pamahalaan sa mga gawain nito. Iyan sa maikling paliwanag ang ibig sabihin ng “separation of church and state.”

* * *

Batay po sa probisyon ng ating batas, wala pong palabag sa prinsipyo ng “separation of church and state” kung iimbestigahan ng DOJ ang isang reklamo laban sa isang kasapi ng isang relihiyon, sekta o kulto. Hanggat ang imbestigas-yon ay nakasentro lamang sa reklamo at hindi umiikot sa pananampalataya ng iniimbestigahan, walang pangigipit o pambabastos na nagaganap sa ganitong kalalagayan.

* * *

Ang tunay na violator ng separation of church and state ay iyong mga pul-politiko na nagsisipsip sa mga pinuno ng relihiyon, sekta o kulto para makukuha ng boto sa panahon ng halalan. Tiyak na kapag nanalo ang mga pul-politikong ito sa tulong ng mga nilapitan ay magkakaroon sila ng utang na loob na kailangang bayaran sa mga ito sa pamamagitan ng mga political accommodation o appointment sa pa-mahalaan.

Huwag nating iboto o tulungan ang mga pul-politikong ganito na nangayuyupapa sa mga relihiyon, sekta o kulto. Salot ang mga ito.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *