Kung siya nga raw ay ayaw na niyang magsalita pero nang kausapin namin siya sa presscon ng My Fair Lady na pinagbibidahan ni Jasmine Curtis-Smith handog ng TV5,napilitan itong magsalita.
Aniya, patuloy ang paghi-hearing ng kaso at may hearing pa sa Sept. 18 pero hindi niya alam talaga ang date ng mga hearing.
“Kasi, this is very, personal, ‘no? I wish na hindi masyado siyang ma-cover or mahaluan ng. . . (media), para maging peaceful ang resolution kasi katulad niyan, whatever maganap, dapat hindi mapag-usapan (sa media) kasi nga, there really is a gag order.
“But if we leave her alone or si Dennis, baka maayos nila ng maganda kung hindi nila i-involve masyado ‘yung media. Not only media, ‘yung social media rin.
“Kasi, actually, naging maraming abogado at judge all of a sudden, eh hindi naman talaga nila naiintindihan what the real case is all about. Basta they just pass their judgment, hindi naman nila alam ang totoong istorya talaga. Kami lang naman ang nakaaalam ng totoong kuwento, kami talaga, pamilya. But it’s hard to discuss that in public kasi it’s very sensitive,” sambit pa ni Marjorie.
Sinabi pa ni Marjorie na hindi niya kokontrahin ang anak na si Julia sakaling ituloy nito ang kaso laban sa amang si Dennis. ”He says something else in public. Iba siya sa personal, iba ‘yung sinasabi niya sa inyong lahat. So, ako, nasasaktan ako para sa mga anak ko. Kung sana, ipakita na lang niya ‘yung totoong ginagawa niya talaga sa mga bata or totoong sinasabi niya sa mga anak ko, the way he says it, maa-appreciate ko, eh. Pero ibang-iba ‘yung sinasabi niya sa press, ibang-iba kung paano niya kausapin ang mga anak ko.”
Umapela pa si Marjorie kay Dennis, ”Sana, maalala niya na may gag order, hindi niya dapat mine-mention ang mga date ng hearing, sana, maayos ‘yung relasyon nilang mag-aama na hindi nasasali ang publiko.”
Sa kabilang banda, aminadong nasasaktan si Marjorie sa pagsasabi o sa tingin ng iba na masama ang kanyang anak. ”Alam n’yo, mula nang ipanganak ko si Julia hanggang ngayon, she has lived with me, ako nagpalaki sa kanya. Kung mayroong taong puwedeng sabihin na masama ang ugali niya, kung mayroong may karapatan, ako lang ‘yun.
“Kung mayroong isang taong puwedeng magsabi na masama ugali ng anak ko or nagbago na siya dahil sumikat, ako lang ‘yun. Kasi ako ang nakasama niya mula nang ipanganak siya hanggang ngayon. And she is a good daughter, she’s really a good daughter, and that is the farthest from what people say she is.”
Nagbabalik naman after 10 years sa pag-arte si Marjorie sa remake ng Korean series na My Fair Lady. Kontrabida ang role niya rito at aniya ay very timing ang pagkaka-offer nito sa kanya. ”Maybe the timing, the offer was at the right time. Malalaki na ‘yung mga bata, settled na ‘yung mga bata, so, puwede nang mag-work for a while. Plus it’s not so heavy, it’s a rom-com, so hindi naman ako masyadong mabibigla kung drama kaagad.”
Makakasama rin sa My Fair Lady sina Luis Alandy, Vin Abrenica, Eddie Gutierrez, Joross Gamboa at marami pang iba at mapapanood ito sa Sept. 14 kapalit ng Baker King.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio