Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

All of Me, imposibleng tapusin daw agad lalo’t nangunguna sa ratings

090215 albert martinez yen santos JM de Guzman

00 SHOWBIZ ms mTINAWAG ang ating pansin ng ABS-CBN para igiit na hindi raw totoong tatapusin agad ang panghapong teleserye na nagtatampok sa pagbabalik ni JM de Guzman, ang All of Me.

Anila, lahat naman ng programa ay nagkakaroon ng mga problema pero tiniyak nilang matatapos ito sa panahon na dapat matapos ang kuwento.

Maganda ang istorya ng All of Me kaya imposible raw tsugiin agad ito lalo’t pinakapinanonood na afternoon teleserye ito sa buong bansa na nakakuha ng national TV rating na 18.4%, base sa datos ng Kantar Media noong Lunes (Agosto 31), nang mag-pilot ito.

Ayon pa sa ABS-CBN, anim na puntos ang lamang ng All Of Me laban sa katapat nitong programa sa GMA naBuena Familia na mayroong lamang 12.8%.

Pasok din ang tinaguriang mystical serye sa ikasampung puwesto sa listahan ng pinakapinapanood na programa sa buong bansa noong Agosto 31. Bumuhos din ang maraming tweets tungkol sa All Of Me gamit ang hashtag na #AllOfMeAngSimula  na naging trending topic nationwide sa Twitter noong Lunes.

Tampok din sa All Of Me sina JM De Guzman, Albert Martinez, Yen Santos, Aaron Villaflor, Neri Naig, Ana Capri, Micah Munoz, Jordan Herrera, Sue Ann Ramirez, at Akira Morishita.

 

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …