Friday , November 15 2024

Mass transportation system sa bansa mistulang ‘landscape’ sa PNoy admin

00 Bulabugin jerry yap jsyKUMBAGA sa mga traviesa ng perokaril, ang mass transportation system sa bansa ngayon ay maituturing na landscape display lang.

Uulitin ko po, display lang. Kasi, imbes makatulong sa pagpapabilis ng trapiko at makapagbigay ng ginhawa sa commuters ‘e nagiging malaking sagabal pa.

Gaya na lang ng LRT 2.

Sa kontrata pa lang ‘e makikita nang batbat ng katiwalian pero gusto pa rin ituloy ng ilang opisyal ng Department of Transportation and Communications (DoTC) at Light Rail Transit Authority (LRTA) ang paggawad ng maintenance contract.

Mabuti na lamang at nariyan ang National Coalition of Filipino Consumers (NCFC) para pigilan ang iginigiit na paggawad ng kontrata nina DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya at ng mga opisyal ng LRTA na sina Honorito Chaneco at Jose Jobel Belarmino sa bidder na napag-alamang nagsumite ng bid na hindi angkop at kinopya ang espesipikasyon sa MRT sa EDSA.

Para mapigilan ito, nagsampa ang NCFC ng reklamong graft at kasong administrastibo sa Office of the Ombudsman laban kay Belarmino at mga kasamahan niya sa LRTA-BAC noong Hulyo dahil sa paulit-ulit na paglabag sa nailathalang mga patakaran at sa ilegal na pagkiling sa Fil-Korean joint venture.

Kaugnay nito, pinasasagot na ng Ombudsman ang BAC upang ipaliwanag ang reklamong kinasasangkutan nila. 

Pero ayon sa NCFC, kailangan umaksiyon at huwag nang mapatumpik-tumpik pa ang Pangulo at si Secretary Pabaya ‘este’ Abaya.

Kailangan nilang umaksiyon upang linisin ang maruming bidding na ipinatupad ng LRTA.

Hindi pa nalilimutan ng sambayanan nang sabihin nina PNoy at Abaya na magpapasagasa sila sa tren kung hindi maisasagawa ang mga proyekto at maintenance deadline sa loob ng dalawang taon.

Nagpasagasa na ba?!

Sabi nga, nahulog na ang isang turista sa international airport at makupad pa sa pagong ang trapik sa Metro Manila, pero mukhang walang panahon  na mag-isip si Abaya kung paano iaangat ang mass transportation system sa bansa at kung paano ito tuluyang magseserbisyo nang tama sa publiko…

Kung hindi kaya, bakit hindi mag-resign at ibang tao naman ang magpatakbo?!

‘Di ba, Secretary Abaya?!

Alias Tata Pine-Da ng MPD PCP P. Algue (Two hits sa kolek-tong!!!)

Inirereklamo ng maralitang vendors sa Divisoria ang isang ‘tulisan’ na patuloy sa pagpapaghirap sa kapwa para lamang sa pansariling interes!

Take note MPD DD Gen. Rolly Nana!

Hindi lang anila isang unit ang ginagamit sa pangongolektong nitong isang alias TATA PINE-DA!

Base sa mga sumbong na ipinarating sa atin ng mga vendor sa Recto Divisoria, ipinangongolektong ni Tata Pine-da ang MPD P. ALGUE OUTPOST at ASK FORCE DIVISORIA.

Sonabagan!!!

Ipinagyayabang pa ng damuhong kolektong na may basbas umano siya ng kanyang bossing.

Iba pa raw ang panghihingi ng pansariling ‘picture’ na pitcha at iba pa ang para sa dalawang unit at dalawang hepe?!

Pakengsyet!!! Ang lupit mo bata!

Nagtataka tuloy ang mga vendor sa Divisoria bakit parang hindi naman sinusunod ng grupo ni Tata Pine-Da ang utos ni YORME ERAP na BAWAL mangotong at mangolekta sa mga vendor.

Kaya raw malakas ang loob nitong si Tata Pine-Da na mangolektong ay dahil may basbas na raw ng bossing ng MPD PS2!?

Totoo ba Kernel Piñon?

Aba’y ipatawag mo sina Major Mangune, Sarhentong Jerry at Tata Pine-Da at baka nabubukulan ka na Sir!

Ano ang dapat gawin kung green card holder ang isang pinoy na ini-appoint sa isang public office?

DAHIL mainit na pinag-uusapan ngayon sa Bureau of Immigration (BI) ang pagkakatalaga sa isang commissioner na umano’y isa palang US green card holder, marami ang nagtanong kung ano raw ang dapat gawin kapag nangyari sa kanila ang ganoon?!

Narito po ang isang kuwento…

Noong panahon ni dating Pangulong Glroia Macapagal Arroyo, mayroon siyang naitalagang green card holder sa Bureau of Cutsoms (BoC) as deputy commissioner.

Dahil nangangamba siya na mabatikos, ang ginawa no’ng appointee na green card holder, agad siyang kumunsulta sa ilang malapit na kaibigan at kakilala n’ya.

At majority umano sa kanyang mga nalapitan ay pinayuhan siyang i-surrender na muna ang kanyang pagiging green card holder.

At ganoon nga ang ginawa no’ng opisyal.

Isinuko muna niya ang pagiging US Immigrant saka tinanggap ang appointment ni ex-president GMA sa BOC.

Iba talaga kapag may delicadeza at may pagpapahalaga sa civil service.

Ibang-iba sa isang Immigration official na namumuno ngayon diyan na pinag-uusapan na nga dahil naging dishonest sa kanyang green card holder status sa daang matuwid pero nangungunyapit pa rin sa puwestong tila ayaw na niyang bitiwan!

ES Paquito Ochoa at Secretary Leila De Lima, pagpaliwanagin na ‘yan si Fred ‘valerie’ Mison!

Binay pwedeng mag-artista

SIR JERRY, pwedeng artista si Binay. Madalas magpakuha ng picture kumakain sa palengke at fastfood. Akala mo makamahirap talaga pero ang ganda ng mansion at hacienda. Kawawa ang mahihirap na maniniwala sa kanya. +639189311 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *