Friday , November 15 2024

Anak ng retired general namaril 1 patay, 2 sugatan

MULING nasangkot sa krimen ang anak ni dating Philippine Constabulary Gen. Antonio Abaya na ikinamatay ng isang babae at dalawa ang sugatan makaraang pagbabarilin ang isang van kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Sa ulat ni Chief Insp. Rodelio Marcelo, hepe ng Criminal Investigation Detection Unit (CIDU), kay Chief  Supt. Edgardo G. Tinio, QCPD Director, kinilala ang namatay na si Joyce Santos, residente ng 108 Gil Fernando St., Bgy. Barangka, Marikina City.

Habang nasa kritikal na kondisyon sa The Medical City sina Ronbert Ycot, 36, empleyado ng Marikina City Hall, nakatira sa 19 Narra St., Mejia, Molave Neighborhood, Marikina Heights, at Duke Angelo David IIl, 20, store manager ng Tokyo Tokyo at residente ng 75 C. Lopez Jaena St., Brgy. Tanong, kapwa ng Marikina City.

Ayon kay Chief Insp. Marcelo, makaraan ang krimen ay sumuko ang suspek na si Jose Maria Abaya, 50, ng No. 21 J. Capital Tower E. Rodriguez St., Quezon City.

Kabilang sa mga isinuko ng suspek ang kanyang itim na Kawasaki Z1000 motorcycle ( ND 19092) at ang baril na Glock 22 Austria cal. 40 pistol, dalawang magazine at anim na cartridges.

Sa imbestigasyon, dakong 6:45 p.m. nang mangyari ang insidente sa Katipunan Ave., Brgy. White Plains, Quezon City.

Sinabi ni Chief Insp. Marcelo, sakay ang mga biktima ng kanilang puting Hyundai Grace van (TWJ-722)  na minamaneho Ycot, galing sa Megamall, Mandaluyong City at patungong San Mateo,  Rizal.

Pagdating ng sasakyan ng mga biktima sa Katipunan, bigla silang hinabol ng suspek na sakay ng kanyang motorsiklo at pinagbabaril .

Ayon kay Chief Insp. Marcelo, inakala raw ng suspek na kukunin siya ng puting van para dalhin sa rehabilitation center.

Napag-alaman mula kay Chief Insp. Marcelo, ang suspek ay may dati na rin kasong pamamaril noong Oktubre 2012 nang pagbabarilin at mapatay ang isang security guard at ikinasugat ng isa pa. Nabatid na dadalhin sana ng mga biktima ang suspek sa rehabilitation center.

Lumilitaw na dating pasyente si Abaya sa Silvercrest Foundation, isang rehabilitation center. Siya ay ipinasok noon sa rehab center makaraan masangkot sa paggamit ng droga.

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *