1 1/2 hour SOCA ni Mayor Olivarez pinalakpakan!
Rex Cayanong
September 2, 2015
Opinion
UMANI ng papuri at palakpakan ang isang oras at kalahating State of the City Address (SOCA) ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez nitong nagdaang August 20 sa jampacked Parañaque City Gymnasium.
Ikatatlong SOCA na ito ng alkalde makaraang manalo noong 2013 elections. Iniulat nito ang napakaraming pagbabago sa lungsod na naging daan para marating ang kasalukuyang numero unong taguri bilang investment destination sa buong bansa.
Kasabay ng SOCA ni Mayor Olivarez ang bagong dagdag na pangalan ng lungsod na tinatawag na ngayon bilang Parañaque Bay City.
Iniulat din ni Mayor Olivarez na may P3 bilyon ang kabuuang annual budget ng lungsod na ipinangpagawa ng mga impraestruktura at ginugol sa ibang pang makabuluhang proyekto para sa mamamayan.
Ipinagmamalaki rin ni Olivarez na kahit singkong duling ay walang pagkakautang kanino man ang lungsod salungat sa kondisyon nito nang ipasa sa kanya makaraan ang halalan.
Nakabaon noon sa malaking pagkakautang ang Parañaque.
Sinabay din ni Olivarez ang pagpapasalamat at pagkilala niya sa mga sakripisyo at mga pagsisikap ng kanyang ‘working team’ na binubuo ng kanyang department heads na walang tigil sa pagganap ng kanilang tungkulin at pagbibigay ng serbisyo-publiko.
Ibinahagi rin ni Mayor Olivarez sa kanyang mga taga-pakinig ang magandang balita patungkol sa tinatamasang kaunlaran ng siyudad at ang mass exodus ng naglalakihang investors sa pagpasok sa pintuan ng siyudad.
Binubuo ito ng mga higanteng kompanyang banyaga at lokal na lalo lamang nagpapasigla hindi lamang sa antas ng kalakaran at investment kundi maging sa employment at dami ng mamamayan na napagkakalooban ng trabaho.
Lastly, pinasalamatan ni Olivarez ang mga Parañaquenos sa patuloy nitong pagtitiwala at pagsuporta sa kanyang liderato.
Ipinangako ng alkalde ang ibayo pang pagsususmikap para sa ikabubuti ng siyudad at ng mamamayan nito.
Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM. Mag email sa [email protected]