Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meralco Bolts mag-eensayo sa Las Vegas

021015 meralco boltsLILIPAD bukas ang Meralco Bolts upang mag-ensayo sa Las Vegas.

Kinompirma ng team manager nilang si Paolo Trillo na magkakaroon sila ng training camp sa Joe Ambunassar Impact gym na tatagal ng dalawang linggo.

Bahagi ito ng paghahanda ng tropa ni coach Norman Black para sa bagong PBA season na lalarga na sa Oktubre.

Ngayong off-season ay maraming pagbabago ang nangyari sa Meralco, una na rito ang pagkuha ng Bolts kay Jimmy Alapag mula sa Talk n Text at ang pag-trade kina Mike Cortez at James Sena sa Blackwater Sports.

Nagretiro na si Danny Ildefonso samantalang balik-Meralco si Rabeh Al-Hussaini pagkatapos na namalagi siya sa Kuwait upang asikasuhin ang ilang bagay tungkol sa kanyang pamilya.

Na-draft ng Meralco sina Chris Newsome at Baser Amer ngunit tanging si Newsome lang ang pumirma ng kontrata dahil naglalaro pa si Amer para sa San Beda Red Lions ng NCAA.

Idinagdag ni Trillo na inaayos na niya ang mga bagong kontrata nina Gary David at Reynel Hugnatan kaya mananatili silang dalawa sa Meralco ngayong bagong season.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …