Friday , November 15 2024

Hindi ba saklaw ng batas ang INC?

00 firing line robert roqueITO ang tanong ng marami kaugnay ng protesta ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa ‘pakikialam’ umano ni Justice Secretary Leila de Lima sa “internal problem” ng kanilang sekta.

May criminal complaint laban sa pamunuan ng INC. Dahil ba sa relihiyon at pagkakahiwalay ng simbahan at estado, hindi na puwedeng kasuhan ang mga ministro ng simbahan na inirereklamo? Kahit sa Simbahang Katolika, ang mga pari na inaakusahan ng katiwalian ay idinedemanda rin.

‘Ika nga, “no one is above the law” — mapa-pari, pastor, ministro man o obispo. Hindi sila Diyos para maging exempted o hindi masaklaw sa pananagutang kriminal kung sila ay nagkasala sa batas ng tao.

Maraming nagsasabi na ginagawa lang ni De Lima ang trabaho niya dahil kung hindi, siya ang mapupulaan sa pagiging pabaya.

Sa pananaw ng Firing Line, ang tanging pagkakamali ni De Lima ay itrato na parang espesyal ang kaso dahil nagpa-press conference pa siya. Wala sigurong isyu kung ang kaso ay isinampa tulad ng mga regular na kaso at hinayaan ang media na maghabol sa coverage nito.

Napaghinalaan tuloy si De Lima na umeepal dahil may plano raw tumakbo para senadora, at para mapilitan ang INC na lumapit sa Malacañang at makiusap tungkol sa kaso kapalit ng pagsuporta sa Liberal Party sa darating na eleksyon.

Tama lang na mag-rally sila laban kay De Lima kung totoo man ang bintang na ito. Ngunit kung ang kilos ni De Lima ay tunay na pag-asikaso sa reklamo ng isang mamamayan — na nagkataong isang itiniwalag na ministro ng Iglesia — walang dapat gawin ang liderato ng INC kundi sabihan ang kanilang mga kasapi na ipagdasal na lamang ang kapayapaan at pagsasaayos ng kanilang samahan.

***

Sakaling maisampa ang kaso sa korte at may maisyung warrant, dito masusubukan kung kaya ng gobyernong i-serve ang warrant laban sa mga inireklamong lider ng INC.

Inaasahan na kung mangyayari ito, ang NBI ang magse-serve ng warrant. Pero huwag kalilimutan na maraming kapanalig ang Iglesia sa pulisya at militar at ang iba rito ay mga opisyal pa.

Noong 1972, sa panahon ng Rehimeng Marcos, may mga sundalong namatay nang tangkain nilang pasukin ang INC Central compound sa Quezon City.

Ito’y isang paalala lamang.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *