“Sa nakaraang 25 taon, kami sa SKY Cable Corporation, ang nangungunang digital cable TV service provider sa bansa, ay patuloy na nagbibigay ng walang kapantay at kalidad na serbisyo sa bawa’t pamilyang Filipino.
Ang mga paratang ng GMA 7 kamakailan ukol sa intensiyonal naming pagputol ng signal ay walang matibay na basehan. Ito ay batay sa kanilang reklamong inihain noong Agosto 25, 2015, sa National Telecommunications Commission (NTC).
Kung nawalan man ng cable TV signal ng mga panahong iyon, maaaring ito ay nakaapekto lamang sa iilang mga lugar at kahit ibang channels ay maaaring nadamay, hindi lang ang GMA 7.
Handa ang SKY na makipagtulungan sa NTC sa kahit ano mang imbestigasyon ukol sa mga nasasabing pagkawala ng cable tv signal sa nasabing mga araw.
Para sa aming mga customers at stakeholders, ipinapangako namin ang patuloy na pagbibigay ng tauspusong serbisyo na para lamang sa inyo. Nangangako rin po kami na lagi po kaming handa na ayusin ang mga ganitong isyu, kalian man ito mangyari.”
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio