Wednesday , November 20 2024

Elha ng Team Bamboo, itinanghal na Grand Champion ng pinakabagong The Voice Kids

090115 Elha bamboo

00 SHOWBIZ ms mSINUMAN ang manalo sa Top 4 ng The Voice Kids ay deserving dahil pawang magagaling silang lahat. Pero mas pinalad na maging grand champion ng ikalawang season ng The Voice Kids ang 11-anyos na banana cue vendor na si Elha Nympha ng Team Bamboo matapos makakuha ng 42.16% na boto mula sa publiko sa grand finals ng programa noong Linggo ng gabi (Aug 30).

Ani Elha na talaga namang napaluha nang tawagin ang kanyang pangalan bilang grand champion, ”Masaya po ako at hindi ko in-expect na mananalo ako. Sobrang saya ko po kasi ngayon lang ako nanalo sa ganitong competition.”

Si Elha ang unang artist ng Kamp Kawayan na nagwagi sa top-rating na singing competition. Siya ang nanguna sa botohan at tinalo ang Team Lea artists na sina Reynan Dal-anay, na nakakuha ng 31.64% ng mga boto at Esang De Torres (18.16%), pati na ang kapwa Team Bamboo artist na si Sassa Dagdag (8.04%).

“I just truly believe she deserves it. Ang tamang ginawa ko ngayong season ay ang umikot para sa kanya. Ako lang ang umikot para sa kanya (sa blind auditions). No one saw her coming, and then at some point, I knew I had someone very special,” ani coach Bamboo.

Napanalunan ni Elha ang recording contract mula MCA Music Inc., isang music instrument package, shopping spree, isang family utility vehicle, house and lot na nagkakahalaga ng P2-M mula sa Camella ng Vista Land na ang alam nami’y dalawa sila ni Reynan na gustong-gustong manalo ng bahay at lupa, P1-M cash, at P1-M trust fund.

Nakuha ni Elha ang simpatya ng publiko nang awitin nito ang Emotions ni Mariah Carey noong Sabado dahil talaga namang hinangaan ang kanyang pag-whistle. Hinangaan din ang bagets sa pakikipag-dueto kay Jed Madela at noong Linggo, ang awiting Ikaw ang Lahat sa Akin naman ang kanyang ipinarinig.

Naka-duet naman nina Reynan, Esang, at Sassa, ang Your Face Sounds Familiar juror na si Gary Valenciano, host na si Billy Crawford, at juror na si Sharon Cuneta.

Naging espesyal din ang live show noong Linggo sa pag-perform nina coaches Lea Salonga, Bamboo, at Sarah Geronimo sa unang pagkakataon ng Sariling Awit Natin, na isinulat nina Yeng Constantino at Jonathan Manalo.

Pinakatinutukan din ng sambayan ang ang ikalawang season ng The Voice Kids na nakapagtala ng ng all-time high na national TV rating na 46.3%, base sa datos ngKantar Media.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Nova Villa Noel Trinidad Tessie Tomas

Asawa ni Nova 7 taon nang nasa banig ng karamdaman 

RATED Rni Rommel Gonzales SA loob ng kung ilang dekada ay aktibo sa pelikula at …

Shea Tan Ruffa Mae Quinto

Rufa Mae nalunasan sobrang pagpapawis ng kili-kili

MATABILni John Fontanilla HINDI nagdalawang isip si Rufa Mae Quinto na tanggapin ang isang produktong makatutulong para …

Tulfo, researcher at iba pa sinampahan kasong cyber libel ni Ginco 

HATAWANni Ed de Leon NAGSAMPA ng demandang cyber libel ang dating program manager ng TV5 na si Cliff …

Karla Estrada Kathniel Daniel Padilla Kathryn Bernardo

Karla Estrada may ibubunyag ukol sa KathNiel

HATAWANni Ed de Leon WALA namang sinabi si  kung ano ang ilalabas niyang revelations tungkol …

Chelsea Manalo Victoria Kjær Theilig

Chelsea Manalo itinanghal na Miss Universe Asia; Miss Denmark Victoria Kjær Theilvig Miss Universe 2024

HINDI man pinalad makapasok sa Top 12 at maiuwi ng pambato ng Pilipinas ang Miss Universe …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *